...
Umabot ng higit sa isang oras ang nagging pagpapagaling at pag-aayos ni Gail dahil sa pag-aayos sa fractured na buto, naipit na ugat at namamagang masel.
"Good as new," bati ni Gail kay Carlo.
"Parang sasakyan lang eh no," sarcastic na wika ni Carlo at muling nagsuot ng damit.
"Mukha ka naman talagang sasakyan," banat ni Venice.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Gail dahil magsisimula na ito.
"Carlo naalala mo ba kung bakit ako nagmamadaling pumunta dito?" tanong ni Gail nang tumingin ito kay Carlo.
"I don't know," simpleng sagot ni Carlo.
"Ikaw Venice?" tanong ni Gail kay Venice sabay lingon dito.
"I don't know either," sagot ni Venice sabay kibit-balikat.
"Kaya ako pumunta dito ng nagmamadali dahil may kumuha bg sobrang bilis dahil para ibalita na nawala yung studyante na dinala mo sa clinic matapos yung klase mo sa Detention," tugon ni Gail.
Napatango na lang ni Carlo.
"May nakalagpas sa mga mata ng intercessor na nandoon?" biglang tanong ni Venice.
"I don't know, sabi nila sa akin ay wala naman daw silang naramdaman o napansing kakaiba," tugon ni Gail at kinuha ang monoblock para maupuan.
"Pano yun nangyari? Malakas ang sense natin kung may supernatural thing na nakapasok sa ospital," wika ni Venice.
"Yan din ang pinagtataka ko bakit hindi tumalab ang sense of danger ko. Maski yung iba parang namanhid ang sense nilang yun," tugon muli ni Gail na nagdududa na sa mga nangyayari.
Napabuntong-hininga na lang si Carlo magging si Venice dahil mukhang mahihurapan silang tuntunin kung sinong pumasok sa ospital.
"How about the records nung kung sino ang pumapasok o lumalabas sa ospital. May nakuha po ba kayo?" swesyon ni Carlo.
Napailing si Gail.
"Walang kahit ano kaming nakita. Wala rin namang bumibisita sa kanya kundi ako. Maski CCTV wala kaming makita," tugon ni Gail.
"So ano na pong gagawin natin?" tanong ni Carlo.
"For now, susubukan kong ipahanap siya kay Harold. Ikaw, Carlo be more vigilant lalo na sa panahong ito dahil sigurado na kami na pwedeng ikaw na ang susunod," babala ni Gail.
"Carlo, what do you think kung pagmukhain mo ang sarili mo na walang alam. More likely na hindi ka dapat magtanobg tungkol sa studyante. We will do both at tahimik na lang kaming nag-iimbestiga tungkol dito," swesyon ni Venice.
Napatango naman si Carlo sa mga sinabi ni Venice dahil mas practical at mas safe yun para sa kanya.
"Mas maganda nga yung suggestion mo Venice dahil kailangan nating magging mas maingat ngayon. Maraming 'what if?' na pwedeng mangyari kaya mas maganda lie low lang muna tayo. Hindi rin sila basta mag-iiwan traces para masundan natin. Maaring patibong lang yun kaya mas maganda munang sa ibang bagay kayo magfocus," pagsang-ayon at swesyon ni Gail.
Wala naman nangging komento si Venice at Carlo sa mga swesyon ni Gail dahil mukhang pinag-iingat talaga sila nito.
"Nasan na nga po pala si Myra?" tanong ni Carlo nang maalala ito.
"Pinabalik muna sa klase o practice niya. Medyo kumalma naman ang itsura niya kaya mas magandang pabalikin na muna siya sa klase para na rin hindi maghinala yung ibang studyante," tugon ni Gail.
Nahiga naman si Carlo sa hospital bed.
"Pwedeng umidlip muna kahit sandali lang? Pakiramdan ko kasi pagod ako ngayon," swesyon ni Carlo.
Tumango naman si Gail at tinapik ang binti ni Carlo bago tumayo.
"Sige na, magpahinga ka muna dahil sigurado ako na pagod ka," mahinahong wika ni Gail bago magpaalam sa dalawa.
Sumunod namang lumabas si Venice dahil malapit-lapit na ring magsimula ang susunod niyang klase. Naghikab pa si Carlo bago pumikit at matulog.
"Ano sa tingin mo? Isasama ba natin siya?" wika ng unang tinig.
"Sa tingin ko coincidence lang lahat yun," depensa ng ikalawang tinig.
"Paano naman nagging coincidence lahat ng yun? Pwede paki-explain," tanong ng unang tinig.
"Mukhang wala naman siyang alam, mukhang may sakit lang talaga siya kaya di niya sinasadyang masira yung trap" paliwanag ng ikalawa.
"Mukha nga, masama pa yata ang pakiramdam nito. Mas lalong maghihinala ang mga intercessor na nandito kung mawala ang isang ito. Yung isa na lang ang pagtuunan natin ng pansin, " conclude ng una.
"Umalis na tayo bago pa magising yan," utos ng una sa ikalawa.
Nakarinig naman si Carlo ng yabag papalabas ng clinic at pagsara ng pintuan. Mga ilang minuto pa ang hinintay niya bago bumangon.
"Mukhang alam nila kung nasaan yung nawawalang studyante, pero hindi naman ako pwedeng basta-basta na lang ako ng kikilos kundi maraming madadamay," wika niya sa kanyang isipan.
Naupo nalang siya sa may hospital bed. Mga ilang minuto pa ay pumasok na si Venice.
"Bakit ganyan yang mukha mo?" diretsahang tanong nito.
"Wala naman, may mali ba sa mukha ko?" tanong naman ni Carlo pabalik.
"Yung buong mukha mo mismo yung mali. Kunsabagay, di mo kasi nakikita," wika ni Venice na parang wala si Carlo sa harapan niya.
Ngumiwi na lang si Carlo dahil walang balak na sumagot ng maayos si Venice.
"Si Myra?" tanong ni Carlo.
"Si Lamang Ilog? Maayos pa rin naman ang lagay. Madikit pa rin," simpleng sagot ni Venice at kumuha ng monoblock na ginamit kanina ni Gail.
"Ang hilig mong mangbigay ng nickname," sita ni Carlo kay Venice.
Bigla namang humagalpak ng tawa si Venice.
"Nahiya naman ako sayo, mas malala ka pa kaya sa akin," medyo sumasarcastic na wika nito.
"Ewan ko sayo, babalik na lang ako sa tulog," wika ni Carlo at aktong hihiga nanaman.
Mabilis namang tumayo si Venice at hinila palabas si Carlo. Dahil walang ganang magpumiglas si Carlo ay hinayaan na lang niya si Venice na hilahin siya kung saan. Nakarating sila sa may gym kung saan nandoon ang buong cheering squad. Inilagay naman siya ni Venice sa tapat ng mga ito.
"Yan na, mga Lamang ilog. Pwede ba magsimula na kayo? Sinasayang ninyo ang oras ko. Pasalamat kayo malaki ang bayad sa akin kundi dadagukan ko kayo isa-isa," bata ni Venice kaya mabilis na nagsigalaw ang mga ito.
Taka namang tumingin si Carlo kay Venice. Napairap na lang ito.
"They need what so ever na inspiration, ikaw yung nangunguna nilang request. Dahil wala ka namang laban sa akin ay ikaw na ang dinala ko dito," bulong ni Venice na may inis sa boses.
"Sabihin mo na lang kasi wala kang ibang kilala sa mga request nila kundi ako. Manipis pa kasi ang mukha mo," asar ni Carlo.
Itinaas naman ni Venice ang kamao niya hanggang mukha ni Carlo.
"Gusto mong tumama ito sa mukha mo? Sabihin mo lang pagbibigyan kita," asar na wika ni Venice.
Hindi na lang nagsalita si Carlo dahil sigurado siya na pagmagsalita pa siya ay tatamaan talaga siya dito. Ipinukol na lang niya ang tingin sa mga nagprapractice. Mabilis naman niyang kinalkula kung may posibilidad na magkamali ang mga ito at magkamali ng bagsak.
Wala namang nakitang posibilidad si Carlo except lang na halos nakatingin ang mga babae sa kanya na dahilan ng pagkakamali nila ng routine. Halos nakailang sigaw din si Venice dahil ang ilang miyembro ay biglang titigil sa kalagitnaan ng routine. Umabot naman sila ng halos 9pm ng gabi bago matapos ng pinakamaayon na naexecute ang routine. Napapahilot na lang si Venice ng simtido niya dahil kanina pa niyang gustong pukpukin ang mga ito. Kung wala lang ngayon si Carlo ay kanina pa niya nagawa.
"NGAYON, MGA NILALANG NG ILONG. PWEDE NA KAYONG UMUWI!" sigaw ni Venice bago maupo sa may bench at patuloy na naghihilot ng sintido.
Musta? Mukhang pagod na pagod ka yata. High blood ka na niyan?" asar ni Carlo nang makaupo sa tabi niya.
"Gusto mo ikaw yung pagbuntungan ng galit ko? Gusto mo," nakataas ang kilay na wika ni Venice.
Ngumisi naman si Carlo at inilapit ang mukha kay Venice. Dahil na rin sa bigla ay nasuntok ni Venice sa mukha si Carlo. Humagalpak naman ng tawa si Carlo.
"Masokista ka rin noh? Matapos kang masuntok ay tatawa ka pa. Gusto mo pa ng isa?!" banta ni Venice kay Carlo sabay taas ng kamao.
Tuloy pa ring tumatawa si Carlo hanggang pagsasapakin siya ni Venice. Tumigil lang si Carlo ng bumukol na ang napakaraming sapak ni Venice.
"Hindi man lang mabiro ang isang ito," reklamo ni Carlo.
Itinaas naman ulit ni Venice ang kamao niya.
"Isa pa gusto?" inis na banta ni Venice na nalilisik na ang tingin kay Carlo.
Nginisian lang siya nito.
"Ikaw ang bahala," wika nito ng pabulong.
Umiwas na lang ng tingin si Venice.
"Sir, pwede ba ninyo akong samahan dun sa may locker?" singit naman bigla ni Myra.
Napatingin naman sa kanya ang dalawa at napataas ang kilay ni Venice.
"Anlaki mo na nilalang ng ilog para magpasama. Para kang 5 years old na bata. Pero sige, samahan mo na Carlo baka maligaw," sarcastic ni Venice at itinulak patayo si Carlo.
"Ingat ka rin sa isang yan. NILALANG YAN NG ILOG," wika ni Venice bago makalabas ng gym ang dalawa.
Dahil nga masyado nang malalim na ang gabi ay kakaunti na lang ang ilaw sa buong University. Wala na namang gaanong gwardiya na nagpapatrol. Maingay naman ang sapatos ni Myra.
"Sorry maingay yunh shoes ko," paghingi ng paumanhin ni Myra.
Ngumiti na lang si Carlo.
"It's fine. Ok lang sa akin para hindi ganoon ka creppy ang pakiramdam," tugon ni Carlo.
Tahimik lang silang nakarating sa locker room. Sumandal namam si Carlo habang nakahalukipkip ang dalawang braso. Hinawakan ni Myra ang isang locker pero agad siyang napaurong. Napakunot naman ang noo ni Carlo dahil wala naman siyang nakikitang dahilan para umakto ng ganoon si Myra. Lumapit naman siya rito. Aktong hahawakan ni Carlo ang balikat ni Myta ng magsalita ito.
"I see someone, hindi ko siya kilala pero taga-university siya base sa uniform na suot niya. Duguan siya at laslas ang leeg habang naliligo sa sariling dugo," naghahabol hininga na wika ni Myra.
Nagawa naman saluhin ni Carlo si Myra nang manghina ang tuhod nito.
"Ayos ka lang?" tanong ni Carlo.
Napahawak naman sa ulo si Myra.
"Ayos lang medyo nahihilo lang," tugon ni Myra.
Tinulungan naman ni Carlo si Myra na makaupo sa sahig. Sumandal naman si Myra sa may locker.
"Nakita ko na naman yun nung magkamali ako ng locker na bubuksan," nakasandal na wika nito.
"Shhhhh, hinahon ka muna. Magpahinga ka muna," swesyon ni Carlo.
Mga ilang minuto, nakatanod lang si Carlo kay Myra habang kinakalikot ang lock ng locker na unang hinawakan ni Myra. Nang magawa niyang buksan ito ay mabilis niyang kinalkal naman niya ito para makahanap kung sino ang may-ari nito.
Alam ni Carlo na may koneksyon ang may-ari ng locker sa nakita ni Myra. Medyo natatagalan si Carlo sa pagkakalkal dahil ayaw niyang mapansin siya ni Myra. Ilang minuto pa ang lumipas, nakahanap ng picture. Hindi naman siya nabigla sa ginawa niyang prediction kung sino ang sinasabi ni Myra.
Ang lalaking may-ari ng locker at ang lalaking nawawala ay iisa. Lumibel naman siya kay Myra nang maisarado na niya ang locker.
"Myra ito ba yung nakita mo?" tanong niya sabay pakita ng picture na hawak niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Myra sa nakita niya. Kukuhanin niya sana pero mabilis itong nilayo ni Carlo.
"Paano ninyo nalaman," mabilis na tanong ni Myra na gulat na gulat.
"Sabi na nga ba," bulong ni Carlo na rinig ni Myra.
"I'd know many things, oras na mahawakan mo ito ay sabihin mo sa akin kung anong nakita o narinig mo," wika ni Carlo na sumeryoso na ang boses.
Dahil gustong-gusto makuha ni Myra ang picture ay napatango na lang siya. Nang sandaling ibigay na ni Carlo kay Myra ang picture ay seryoso niyang inobserbahan ito. Nang makaramdam ng kakaibang hangin si Carlo ay alam na niyang may nangyayari at kasunod naman niyon ang pagsigaw ni Myra.
Hindi naman nagtakip ng tenga si Carlo at patuloy na inobserbahan si Myra. Lumiwanag naman sa dibdib ni Carlo ang isang cross emblem. Nang matapos ng sumigaw ni Myra ay wala sa sarili itong tumayo at naglakad papunta sa kung saan. Tahimik naman si Carlo na sumunod kay Myra na hindi pinaparamdam ang presensya niya.
Nakarating ang dalawa sa isang room kung saan natatandaan ni Carlo na tinago niya ang ax. Gumuhit siya ng krus sa hangin bago maglabas ng proofing paper at sulatan ito ng mga letra. Nang binulaksan naman ni Myra ang pinto ng storage room at binuksan ang ilaw ay lumitaw sa kanilang harapan ang bagay na sinasabi ni Myra kanina.
Nagmamadaling idinikit ni Carlo sa pader malapit sa pinto ang papel na hawak niya.
"For his justice and righteousness," bulong niya dumikit na ang papel sa pader.
"May corpse radar na yata tayo,"
---
Comments (0)
See all