Vatican Time 8: Tactics and Terror
Pinaupo muna ni Carlo si Gail sa may sofa sa labas ng kwarto. Dahil masakit pa ang likod niya ay medyo mabagal siyang naglalakad para hindi gaanoon kasakit. Hindi naman niya napansin si Venice na may malademonyong ngiti sa labi na nasa loob na rin pala ng Clinic.
"Payback time!" natatawang bulong nito at mabilis na hinampas ang likod ni Carlo.
"Yung likod mo ituwid mo. Para kang uugod-ugod na matanda!" nakangising sita niya rito.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Carlo at medyo ika-ikang lumapit kay Gail dahil sumakit na naman ang likof nuya dahil sa hampas nito. Dumungaw naman si Myra sa pintuan.
"Sir..." medyo hiya nitong tawag kay Carlo.
Napatingin naman si Carlo sa kanya at umayos ng tayo na parang hindi masakit ang likod. Medyo awkward itong tumawa. Binalingan naman ni Venice si Myra at napangisi. Umakbay naman si Venice kay Carlo.
"Musta? Alam ko dapat nasa ilog ang katulad mo," nakangising wika ni Venice sabay tingin kay Carlo na masama na ang tingin niya.
"Anong ibig ninyong sabihin?" biglang tanong ni Myra kay Carlo.
Tumawa naman si Venice at pinaghahampas ang likod ni Carlo. Kahit gustong sumigaw ni Carlo dahil sa sakit ng bawat hampas ng kamay ni Venice sa likuran niya. Hindi niya magawang makasigaw sa harapan ni Myra dahil mahahalata nito na nasaktan siya sa sigaw. Napakagat na lang siya sa labi para mapigilang sumigaw.
"Mamaya ka sa akin Venice. Gagantihan kita, maghintay ka lang," inis na wika sa isipan ni Carlo habang nagpipigil na mapasigaw.
Nagpumit namang ngumiti si Carlo kay Myra habang patuloy pa rin ng pagpalo ni Venice sa likuran niya.
"Wala naman yun, Myra. Mahilig lang talaga na manakot si Venice. Hintay ka lang muna," nakangiti niyang wika.
Tumawa lang si Venice.
"Com'mon Carlo. May usapan tayo. Maglulunch tayo di ba? Nang tayong dalawa lang di ba?" nakangising wika ni Venice na nagpapaawa ang boses.
Namula naman si Myra dahil mukhang mausapan na sina Carlo at Venice at mukhang nahihiya lang si Carlo na sabihin sa kanya. Nagpumilit namang ngumiti si Myra.
"Sige na po, maglunch na po kayo. Hihintayin ko na lang po kayo sa loob," wika ni Myra na may pilit na ngiti.
"Wala naman akong...,"
"Halika na Carlo. Sabi na yan ng PASYENTE mo na pwede ka na daw maglunch KASAMA ko. Wag ka ng mag-inarte d'yan," wika ni Venice at hinablot ang braso ni Carlo papalabas ng Guidance.
Kahit magpumilit si Carlo na kumawala sa pagkakahawak ni Venice ay hindi niya magawa dahil dumidiin na ang kuko nito sa balat niya.
"Kung ayaw mong madungisan ang maganda mong balat ay wag ka ng magpumiglas pa," nakakatakot na wika ni Venice kay Carlo.
Nang magsink-in na ka Carlo ang sinabi ni Venice ay medyo tumawa siya ng mahina at balak nang sabayan si Venice sa kalokohan nito. Hindi na siya nagpumiglas sa pagkakahila ni Venice kaya napatingin ito sa kanya.
"Sige, basta siguraduhin mo lang na papakatawanan mo ang ginagawa mo ngayon," bulong ni Carlo na ikinatindig balahibo ni Venice.
Napakagat labi na lang si Venice at nagsimulang ngumiti dahil sigurado siyang mapapala kay Carlo at sa mga kalokohan nito. Nagkibit-balikat naman siya at hinawakan ang kamay ni Carlo. Hindi naman nabigla si Carlo dahil yun din ang nasa isip niya.
"Let's fool them," bulong ni Carlo kay Venice.
"Ikaw na ang magdala. Let me test your talent Carlo," bulong naman pabalik ni Venice na may malademonyong ngiti
Ngumisi naman si Carlo at tinanggal ang pagkakahawak sa kanya ni Venice at inakbayan niya ito.
"Lure them? Challenge Accepted," bigkas ni Carlo.
Nakaakbay naman si Carlo habang papunta sa canteen para kumain.
"Seryoso?"
"Di nga?"
"Mag-act ka na parang naiinis," bulong ni Carlo.
Dahil sumasabay siya sa kalokohan nito ay mabilis siyang nag-act na mukhang naiinis. Sumimangot siya at tiningnan ang mga studyante na nakatingin sa kanila ng masama. Na dahilan naman para umiwas sila ng tingin.
"Bilis na Ven, pagbigyan mo ako mamayang gabi. Date lang naman eh," nangungumbisi na wika ni Carlo.
Nagpigil si Venice na matawa at pinilit na parang na mukha siyang naiinis.
"May gagawin ako, yung braso mo tanggakin mo kung ayaw kong baliin ko yan," seryosong wika ni Venice.
Tumawa naman ng mahina si Carlo.
"Grabe naman siya oh. Siya na nga tong niyaya. May gana pa siyang tumanggi," medyo mayabang na wika ni Carlo sabay tawa.
Mabilis namang siniko ni Venice sa tagiliran si Carlo.
"Subukan mo pa yabg ugali mong yan sa akin. Hindi lang braso mapuputol sa inyo pati yang ulo mo," banta ni Venice.
Tumawa naman si Carlo na iniinda pa rin ang sakit ng likod.
"Sorry na, sinubukan ko lang. Gutom na ako," wika ni Carlo at itinutulak si Venice gamit ang pagkakaakbay niya dito.
Napansin naman ni Venice na bumalik na sa regular na ugali ni Carlo pero iba pa rin ang pakiramdam niya.
"Makisabay ka lang muna," bulong nito kaya hindi na gaanong nagpabigat si Venice kay Carlo.
Nang makakuha sila ng upuan ay kinindatan siya nito.
"Ako na munang bahala sa pagkain. Alam mo na," wika nito sabay ngiti ar kindat kay Venice.
Nakaupo naman si Venice nang maramdaman niyang may nakamasid sa kanya. Mabilis naman niyang inilibot ang tingin sa buong paligid at nakita niyang nakatitig sa kanya si Raven. Tinaasan naman niya ito ng kilay na dahilan para umiwas ito ng tingin. Mga ilang minuto pa, bumalik na si Carlo na may dalawang tray na punong-puno ng pagkain.
"May isa pang tray dun. Babalikan ko lang saka tayo kakain," wika nito at ipinatong sa lamesa nila ang dalawang tray.
Binasa nalang ni Venice ang labi niya dahil mukhang treat ngayon ito ni Carlo at pagkakataong siya rin ang maglilibre. Dahil medyo natatakam naman si Venice sa dami ng pagkain na nakahain. Mukhang inobserbahan siya ni Carlo ng ilang araw at namalan niya kung ano ang gusto niyang pagkain.
Bumalik naman si Carlo na dala ang isang tray na mas marami ang laman kumpara sa naunang dalawa. Ngumisi ito sa kanya at mukhang balak siyang banatan kaya mas minabuti ni Venice na ngitian din ito.
"Gutom ka na?" tanong nito.
"Oo naman," mabilis niyang sagot.
"Gutom din ako kaya chibugan na," wika nito sabay taas bg dalawang kilay sa kanya na may kasamang malakung ngiti.
Dahil sadyang nagutom ang dalawa ay tangging tunog lang ng kutsara't tinidor ang maririnig hanggang magsalita si Carlo.
"Kanina pa niya tayo este ikaw lang pala ang tinitingnan. Manliligaw mo?" biglang tanong nito kay Venice.
Napatigil naman si Venice at napataas ang kilay.
"Sinong manliligaw? Pagkakaalala ko kakabusted ko pa lang nun," tugon ni Venice at muling itinuloy ang pagkain.
"Grabe yun. Parang ilang beses mo nang nasampal ang damdamin nun," pagpaparinig ni Carlo sabay tingin malapit sa direksyon ni Raven.
"So what? Gusto niya yan eh," wika ni Venice at muling sumubo ng pagkain.
"Pag-ako ba ang magtanong sayo na pwedeng manligaw. Sasagutin mo," biro ni Carlo.
Tumingin naman sa kanya si Venice.
"Nahhh, niloloko mo lang ang sarili mo. Kung ayaw mong magkabali-bali yang mga buto mo ay shut up ka na lang," nakangiting wika ni Venice.
Napatango na lang si Carlo dahil muhkang nagbabalak na si Venice mangbugbog at wala siyang laban sa ngayon dahil masakit ang likod niya.
Nakahiga naman sa isang hospital bed sa Clinic si Carlo habang hinihintay si Gail na pagalingin ang sakit ng likod niya. Nakapikit naman si Carlo ng biglang paluin ni Venice ang hita niya. Dahilan para bigla mapaupo si Carlo dahil sa gulat. Napahawak na lang siya ng likod dahil may naramdaman siyang lagitik sa buto niya.
Masama na lang niyabg tiningnan si Venice na nakangisi na naman sa kanya. Napapokerface na lang siya dahil wala siyang balak na makipagsagutan dito ngayon dahil masakit ang likod niya. Lumitaw naman si Gail sa likuran ni Venice.
"Venice dinagdagan mo na naman ang kailangan kong pagalingin," sita nito kay Venice.
Hindi naman nagsalita si Venice at umurong ba lang at pumunta sa kabilang ospital bed.
"Naku, Venice. Ingat ka lang sa mga desisyon mo dahil baka d'yan mapahamak ka," wika ni Gail.
Pinaghubad naman ni Gail si Carlo ng pang-itaas nito para matingna kung gaano kalala ang nagging pinsala nito sa likod. Napakunot na lang abg noo ni Gail ng makita na may naipit na ugat dahil adrenaline rush dahil sa pagpalo ni Venice kay Carlo.
"Venice hawakan mo ang dalawang kamay ni Carlo. Magiging masakit ito," utos ni Gail.
Tumayo naman si Venice at hinawakan ang dalawang kamay ni Carlo na medyo namamawis dahil sa sinabi ni Gail. Tulad ng ng inaasahan ay nagpumiglas si Carlo dahil sa sakit ng ginagawa ni Gail na paggalaw ng buto sa likod ni Carlo. Hindi naman nahirapan si Venice sa paghawak kay Carlo dahil walang-wala pa ito sa mga hinahawakan niya niya dati.
...
Comments (0)
See all