...
Hindi naman mapigilang mapangiti ng Student Assistant na nakapwesto sa Faculty.
"Triple kill si Sir Raven. Nacareerzone siya," isip-isip nito sabay ang mahinang tawa.
Dahil medyo maypagka-professional ang mga tao sa faculty ay hindi na lang sila nagsalita tungkol dito. Mga halos kalahating oras pa ay tumayo na si Venice para bumalik sa gym para magturo. Nakangiti namang nagpaalam si Venice sa mga kaclose nito pero nung napabaling kay Raven ay ngumisi siya.
Dahil medyo maaga ng ilang minuto si Venice kaya naupo muna siya hanggang nagsimula nang magsidatingan ang mga studyante niya. Hindi niya mapigilang mapangisi ng makita ang dalawang nanggulo sa tulog niya kaninang umaga. Mabilis naman siyang napapalakpak at hindi mapigilang mapailing na tila may scene na nagyayari.
Mabilis namang namutla ang dalawang studyante na pinapalakpakan ni Venice. Dahil naman masyadong kilala si Venice sa buong University at sa trademark na meron siya ay hindi rin mapigilang mahiya at mamutla ng mga studyanteng paounta sa pwesto niya. Dahil ramdam na ni Venice ang takot nila ay mas ginusto niyang sinuspense ang mga nagyayari. Tumayo naman siya at sinalubong ang mga studyante na papunta sa kanya.
Mas lalo namang namutla ang mga studyante niya habang papalapit sa kanya. Ngimiti namam siya ng sobrang tamis na misinterpret ng mga studyante. Natansya naman ni Venice na konting push na lang ay hindi na kakayanin ng mga studyante niya ang presensya niya.
Nang makalagpas naman sa ibang mga studyante si Venice ay medyo lumuwag ang paghinga nito dahil hindi sila ang target ni Venice. Napatungo na lang habang naglalakad ang dalawang studyante na susunduin ni Venice. Mabilis namang inakbayan ni Venice ng magkabilang braso niya. Dahil may katangkaran naman siya ay hindi nagging problema ang pag-akbay sa dalawa.
"Kumusta kayo? Parang kanina ay nanggulo kayo sa pagtulog ko ah?" pabulong na tanong niya na sobrang kalmado ng nakangiti.
Hindi naman magawang makasagot ng dalawa .
"Kaya pala eh, sila pala ang may kasalanan," sisi ng isa sa mga studyante niya
Napatingin naman si Venice sa direksyon kung saan ang nagsalita.
"Gusto mo bang isali kita? Magiging masaya to?" nakangiting wika ni Venice.
Natahimik naman ang studyante at pumunta sa likod ng isa pang studyante dahil sa takot kay Venice. Itinulak naman ni Venice ang dalawang inaakbayan niya.
"Siguraduhin ninyong magiging maganda ang performance ninyo kundi tripleng oras ang bubunuin ninyo sa detention," pananakot niya rito.
Nanlamig naman ang dalawa sa mga sinabi ni Venice. Napadaan naman si Raven sa may gym mula sa building niya papunta sa faculty. Nakita niyang si Venice na nakaakbay sa dalawang studyante habang napapaligiran ng masamang aura si Venice.
"Mukhang hindi lang magaling mangtorture si Venice emotionally at pati na rin physically and mentally," bulong niya bago tumungo sa faculty.
Sobrang lamig ng hangin ang nakapalibot sa buong klase. Inililibot naman ni Venice ang paningin niya habang namimili ng studyante. Wala rin namang balak na magsalita ang kahit isa sa kanila.
"Husgado punta ka dito?" wika ni Venice sabay point out sa babaeng nanisi kanina.
Wala namang nagawa ang babae kundi ang sumunod kay Venice. Nagpoint ulit si Venice ng isa pa at yung mga sumunod ay nagging random na. Nang maigroup na niya sa dalawa ang mga studyante niya.
"Ngayon, we will play games. Nakagroup kayo at that will be your permanent team sa buong semester," wika ni Venice at kinuha ang bola ng volleyball.
"Maglalarong kalye tayo, I will give you 3 minutes para makapaglaro at ako mismo ang referee. Ngayon go kayo na ang bahala sa linya," sigaw niya sabay hagis ng bola sa mga studyante.
Kinuha naman niya ang papel na dala niya at nagsulat ng notes na magagamit niya in future. Halos matawa naman si Venice sa pinagagawa ng klase niya at dahil natapos na ang oras nila ay tumayo na si Venice para patigilin ang mga ito. Pumalakpak lang siya at inuro ang wristwatch niya.
Dahil medyo takot, hindi takot talaga sila kay Venice ay mabilis silang tumigil na dahilan para tamaan ang isa sa mga studyante nila. Nagpigil ng tawa si Venice para mukha pa rin siyang seryoso.
"Minsan kasi maging aware parin kayo sa paligid ninyo," wika niya.
Pasimple namang sinenyasan naman niya ang isa sa mga studyante na tanungin kung okay lang yung tinamaan. Nagsimula namang ulit na maglecture si Venice tungkol sa susunod nilang gagawin. Si Venice ang magiging target ng klase at kailangan ay matamaan siya ng bola na binigay niya rito.
Nagsimula ng batuhin si Venice ng bola at parang naggym-gymnastics niyang iniiwasan ang bola. Hindi niya mapigilang mapangiti nang bumibilis na ang tyempo ng paghagis ng bola. Kahit na nagging mabilis ang tyempo ay nagawa pa ring ilagan ni Venice ang bola at kahit isa ay walang tumama sa kanya.
Mabilis namang napansin ni Venice si Carlo na pumasok at may dalang pagkain. Habang umiilag ay inoobserbahan niya ito kung anong gagawin. Makailang beses na siyang muntik na siyang tamaan ng bola pero nagawa naman niyang iwasan. Pansin niyang inoobserbahan siya ni Carlo kaya lihim siyang napangiti.
Mabilis niyang inilagan ang mga bola at mabilis na gumawa ng calculation ukol sa bilis at trajectory ng bawat hagis. Napick-up naman niya kung gaano na kabilis ang bola kaya mabilis niyang nasambot ang bola pero pagtingin siya sa direksyon ni Carlo pero wala na ito doon. Napairap na lang siya dahil sa hindi malamang dahilan.
"So?"tanong niya sa buong klase ma may kakaibang ngiti.
Napaurong naman ang mga ito dahil sa kakaibang ngiti ni Venice. Ibinagsak naman ni Venice ang bola at sinipa papuntang sa isang estudyante.
"Break muna tayo," wika niya.
Medyo kumalma naman ang buong klase dahil walang ibang balak si Venice na ibang bagay sa ngayon. Mabilis na naubos lahat ng mga estudyante ni Venice habang siya ay nagpapahinga sa pwedeng upuan. Nagpunas pa siya ng pawis bago dumiretso sa faculty para makakuha ng extrang damit pamalit.
Halos fifteen minutes lang siya nawala bago bumalik sa gym. Nadatnan naman niya ang mga studyante niya na naghihintay. Pasimple naman siyang pumasok ng walang ginagawang ingay.
"Kumusta?" bati niya sa mga ito.
Mabilis namang napatingin ang mga studyante sa likuran kung nasaan siya. Ngumiti lang siya at hinayaan munang maglaro ng gusto nila habang di pa tapos ang period nila. Naupo na lang isa sa isang tabi para manood na lang ng pinagagawa ng mga studyante niya.
Natapos namang agad yung klase niya ay dumiretso na siya sa Faculty. Agad naman siyang sinalubong ng isa sa mga P.E. professor.
"Venice ikaw muna ang magcover ng practice ng cheering squad? I mean ikaw muna ang mag-oobserve. Pwede ba yun?" mabilis na tanong nito kay Venice.
Tango na lang ang nagging sagot ni Venice at mabilis itong nakipagshakehands. Nagmamadali din itong umalis. Napakibit balikat na lang si Venice at dumiretso sa may table niya kung walang conflict. Nang makita niyang walang conflict ay dumiretso siya sa lugar kung saan niya nakikitang nagprapractice ang cheering squad.
Napatango-tango na lang siya sa nakikita niyang galing nito. Hindi rin niya mapigilang mamangha sa bawat stunts at routine na ginagamit nila. Pumalakpak naman siya na dahilan para napatingin sa kanya ang buong squad.
"Ma'am bakit po kayo nandito? Yung si Sir po na nasaan?" medyo kinakabahang tanong ng isa sa mga ito.
Napairap na lang si Venice pero hindi niya gaanong pinakalata.
"May pinuntahan siyang kung ano. Si Mr. I don't know his name ay ipinasa kayo sa akin ngayong araw. Wag kayong mag-alala, ngayong araw lang naman," maatoridan niyang wika at naupo sa upuan na talagang para sa magbabantay sa kanila.
"Kumpleto na ba kayo?" tanong ni Venice.
"Hindi pa po Ma'am, nandoon pa po si Myra sa C.R.. Kanina pa po namin siya tinatawag pero sabi niya lalabas na po siya," wika ng isa sa mga cheering squad.
Pumasok naman si Venice sa sinasabing banyo kung nasaaan ang tinatawag nilang Myra para kumustahin ito. Pinagtatawag niya ang pangalan nito pero walang kahit isang tugon sa kanya. Papalabas na sana siya sa banyo nang makarinig siya bg isang malakas na ingay mula sa isa sa mga cubicle sa loob. Mabilis naman siyang napalingon sa mga cubicle at isa-isa niya iyong binuksan.
Aktong bubuksan na niya ang gitnang cubicle ay nakaramdam siya ng hindi maganda. Napalunok nalang siya habang unti-unti niyang binubuksan ang pintuan. Nakaramdam siyang ng pag-ipon ng hininga at hindi niya gusto ang bagay na iyon. Mabilis naman siyang tumabi at nagtago sa kabilang cubicle. Nakarinig siya ng napakalakas ng sigaw at kasunod niyon ang malakas na ingay na sigurado siyang mula sa nasirang pintuan kung hindi rin siya nagkakamali.
Mga ilang segundo matapos ang pagsigaw ay mabilis siyang lumabas sa cubicle. Tiningnan niya kung ano yung nagging pinsala ng malakas na sigaw na iyon. Napatango na lang siya ng makitang buo pa ang pintuan ng cubicle samantalang ang mga tiles sa harap nito ay puno na ng mga crack.
Nakita naman niyang nagpuntahan na ang mga kasamahan nung sumigaw kaya mas minabuti muna niyang wag papasukin ang mga ito dahil baka muling iyon sumigaw. Humarang muna siya sa pinto ng banyo para hindi sila makapasok.
"Ma'am, pupuntahan namin si Myra. Narinig namin yung sigaw niya," medyo aligagang wika ng mga ito.
Huminga muna ng malalim si Venice at para makapagpaliwanag siya ng kalmado.
"Hindi ko muna kayo pwedebg papasukin. Dahil nasa kalagitnaan ang kaibigan ninyo ng emotional breakdown. Mas mabuti na puntahan ninyo si Sir Harold sa Guidance office para makapag-usap kami tungkol dito pati na rin ay makakuha kami ng magco-counsel sa kaibigan ninyo. Hayaan n'yo muna kami ang mag-asikaso ng kaibigan ninyo," kalmadong paliwanag ni Venice na kahit siya ay medyo tense na rin sa pwedeng mangyari sa loob.
Napatango na lang ang mga ito dahil ng may magtatanong pa sana sila ay sinamaan na sila ng tingin ni Venice. May nagpunta naman sa Guidance at sumundo kay Harold.
"Anong balita?" agad na tanong nito.
"May supernatural thing...." hindi na itinuloy ni Venice ang sasabihin niya ng makita ang mga studyante na nakikinig sa usapan nila.
Sinamaan niya iyon ng tingin pero hindi natinag ang chismosa.
"Marunong ka ba ng salitang Respect and Privacy?" tanong niya rito na may kasamang ano-aalis-ka-o-may-detention-ka-look.
Napatingin na lang sa malayo ang studyante at mabilis na umalis. Ibinalik naman niya ang tingin kay Harold.
"Chillax lang muna. Yung tingin mo parang papatay eh," wika nito sa kanya.
Umirap na lang siya.
"Dalhin mo ng mabilis yung babae na nasa loob ng clinic. May something supernatural sa kanya kaya mas magandang dalhin mo na siya doon," mabilis na swesyon ni Venice at binalik ang tingin sa loob ng banyo.
"Ikaw na lang ang umakay sa kanya palabas at ako na ang bahalang magdala sa kanya sa Clinic," utos ni Harold.
Tumango na lang si Venice at pinuntahan si Myra. Pagkapasok ni Venice sa cubicle nito ay wala na siyabg malay. Inakay naman ni Venice si Myra at hinila papunta sa labas. Kinuha naman ito ni Harold at binuhat na parang bride papunta sa Clinic.
Pinapunta naman ni Harold si Rayne sa C.R. para tingnan kung anong nangyari. Mabilis namang pinakuha ni Rayne sa mga guard ang sign board para hindi muna magamit ito habang nag-iimbestiga sila at hindi maabala. Nabantay naman sa labas ng C.R. si Venice.
"Pakisabi kay Harold na si Carlo ang magcounsel. Mag-under time muna si Carlo sa pagiging janitor at magpsychologist muna siya ngayon," cold na utos ni Rayne dito.
Tumango naman si Venice at dumiretso kay Harold na nakatanod kay Myra habang may hawak na records nito.
"Wala naman akong makitang supernatural, sabagay family records lang ang meron ako hindi pa kasama yung Official records galing sa Office," bulong ni Harold bago pumasok si Venice sa loob ng Clinic.
---
Comments (0)
See all