Vatican Time 6: A step ahead
Magkasunod na lumabas ang dalawa Zone Base Camp at bumalik sa Office ng direktor. Pagdating nila ang tangging nandoon ang ang Direktor at ang mga Team Leader except kay Gail.
"Anong sabi ng Heneral?" agad na tanong ni Cepras na medyo nag-alala sa sinabi ng Heneral.
Hindi muna sumagot ang dalawa at naupo muna sa bakanteng upuan para medyo palipasin ang tensyon sa paligid.
"Wala namang sinabi gaano ang Heneral. Hahayaan na lang daw sa atin ito at hindi na daw ipapaalam sa iba pang mga Heneral. Tayo na daw ang bahalang lumutas muna nito," simpleng tugon ni Venice na parang walang tensyon sa paligid.
Medyo nakahinga ng maluwag si Cepras dahil hindi gaanong binigyan ng pansin ng Main Hall ang problema ng Zone nila ang kailangan na lang niyang alalahanin ay ang pagpapaliwanag sa Lieutenant ng Home na nakakasakop sa kanila. Mukhang ang Commander naman ay hindi din magbibigyan ito ng pansin pansamantala kaya kailangan nilang malaman ang puno't dulo ng gulong ito.
Napabuntong-hininga na lamg siya. Tumingin siya sa dalawang bagong miyembro ng Zone. Alam niyang may ibang layunin ang mga Heneral kung bakit nandito ang dalawa at batid niyang hindi iyon alam ng mga ito. Humugot siya ng hininga bago tumingin sa dalawa.
"Magsikain muna kayo sa mess hall baka gutom na kayo," wika niya sa dalawa at sabay tinging din sa dalawang nakatayong Team Leader.
Mabilis namang tumalikod si Venice at nagmamadaling pumunta sa Mess hall habang si Carlo ay lumingon muna sa kanya ay tumungo bago sundang si Venice.
"Oy PG, maghinay ka lang aba!" sigaw nito habang hinahabol si Venice
"Hindi ako PG. Wag kang ano... gutom lang ako," sigaw naman pabalik ni Venice.
Napailing na lang si Cepras at tumayo para kumain dahil baka maubusan siya ni Venice na ayaw niyang mangyari. Base sa tatsiya niya ay magagawang ubusin ni Venice ang pagkain kahit ganoon pa yun karami. Samantala ay nagpapakabusog na si Venice sa dami ng kinakain niya at nakakailang balik na rin siya sa buffet table. Tumabi naman si Harold kay Harold na may hawak ding tray ng pagkain.
"Sigurado ka bang walang disorder si Venice?" tanong ni Harold kay Carlo.
Napatingin naman si Carlo sa kanya at bumalik sa pagkain.
"Sa tingin ko wala naman," tugon ni Carlo habang nasubo ng pagkain.
"Mahilig lang talaga siya sa pagkain. Kung babasehan mo ang katawan niya maayos pa naman ang itsura niya. Natanong ko rin siya kung paano siya nakalagpas sa test of glutton," dagdag ni Carlo.
Napatango-tango na lang si Harold dahil wala siyang masasabi sa pagiging psychologist ni Carlo. Napansin naman ni Carlo na wala si Gail.
"Umm, nasan pala si Miss Gail?" tanong ni Carlo.
"Wala siya ngayon kasi nagpalipas pa siya ng gabi sa Ospital. Binabantayan niya lahat ng mga studyante na nadamay sa gulo kahapon," simpleng tugon ni Harold sabay subo rin ng kinakain niya.
Nagging tahimik na lang ang dalawa habang hindi niya mapigilang mapasulyap kay Venice na halos 1/3 na ang nakukuha sa pagkain. Naupo naman sa tabi ni Harold ang direktor.
"Mukhang hindi ninyo kayang kainin yung dami ng kinakain niya noh? Nadaig kayo ni Venice," biro ng Direktor.
Ibinagsak naman ng malakas ni Venice sa harap ng tatlo ang tray niya habang sobrang sama ng tingin.
"Ako naman ang pinag-uusapan ninyo no?" masungit niyang tanong sa tatlo habang nakataas ang kilay.
"Bakit may iba kaming dapat pag-usapan?" direksahang sagot ni Carlo.
Mas tumaas naman ang kilay ni Venice at naglabas na ng nakakatakot na aura. Parang walang naramdaman na ibang aura at pinagpatuloy na lang ang pagkain samatalang ang dalawa ay medyo nakiramdam kay Venice at sa pwedeng gawin nito.
"Pwede naman ninyong pag-usapan ang sarili ninyong mga buhay di ba?" masungit na swesyon ni Venice.
"Bakit? Hindi naman kami gumagawa ng rumors ah. Ginagawa ka lang naming specimen ng psychology. Kung gusto mo pwede kitang ikounsel," deretsahang swesyon pabalik ni Carlo.
"Ganun hayop na ako? Wow naman parang maka-specimen ka eh. Masakit kaya sa dignity," inis na wika pabalik ni Venice.
"Meron ka palang dignidad? By the way, palitan natin ang pangalang specimen. Ikaw na lang si Brand X para mas maganda at kilala ka pa," hindi mapigilang ngumisi ni Carlo habang sinasabi iyon at nagsesenyas pa ng tinidor na hawak.
Umurong naman ang dalawa at nagkuha ng popcorn si Harold out of nowhere.
"Magandang sine ito," bulong ni Cepras na nakisali na narin sa katuwaan kuno ni Harold para mapalipas ang tensyon sa sarili niya sabay dakot ng popcorn.
"Oo nga! Sigurado akong walang tatalo sa dalawang ito," tugon na bulong ni Harold sabay dakot ng popcorn.
"Indeed," pagsang-ayon ni Cepras.
"Anong brand X ang pinagsasabi mo?! Gusto mong gawin kitang bareta?" hamon ni Venice kay Carlo.
Hindi naman natinag sa kinauupuan niya si Carlo at tinuloy lang ang pagkain.
"Well hindi kita uurungan. Baka gusto mong unahan kitang gawing bareta ang sarili mo," medyo may halong kakaibang tono na wika ni Carlo.
Tumayo naman si Venice at inalis ang pagkain niya sa tray at aktong ihahampas ang tray sa mukha ni Carlo.
"Venice ang table etiquette mo?" wika ni Carlo na katono ni General Seals.
Bigla namang nanghina ang tuhod ni Venice at napaupo. Tiningnan na lang niya ng masama si Carlo. Nakangisi namang nakatingin si Carlo kay Venice.
"Brand X, may phobia ka yata kay General Seals," hindi mapigilang mapailing na wika ni Carlo habang masama pa rin ang tingin ni Venice sa kaniya.
"Tumigil ka na! Kundi tatamaan ka na talaga!" sigaw ni Venice nang makabawi ng lakas.
Tumawa lang si Carlo sa kanya at nginisian ito.
"Go Lang! Wala namang pipigil sa iyo eh," nakangising wika ni Carlo na iniinis pa si Venice.
Napatingin naman si Harold kay Cepras.
"Ganoon ba talaga nakakatakot si General Seals? Grabe ang reaksyon ni Venice sa tono pa lang yata ni General Seals," tanong ni Harold kay Cepras na nanonood lang sa dalawa.
Umiling naman si Cepras.
"Hindi naman, siguro natakot si Venice sa side ng Heneral pagnagbibigay ng hatol at parusa. Ginagawa talaga yun siguro ng Heneral para magtino na si Venice. Nakarating na ako sa Court of Deeds bilang witness kaya sigurado ako na tinakot lang talaga ng Heneral si Venice kaso napasobra yata," komento at tugon ni Cepras sa tanong ni Harold.
Napatango naman si Harold at tinuloy na ang panonood sa dalawa. Gustong-gusto na niyang sapakin si Carlo sa oras na ito pero hindi niya magawa dahil sa dalawang dahilan. Una, nandito ang superior nila baka mareport pa siya kay General Seals. Ikalawa, dahil mukhang gagamitan na naman siya ni Carlo ng tono ng Heneral na ikinikilabot ng buong sarili siya. Parang bigla niyang naramdaman ang presensya ni General Seals paggagamitin ni Carlo ang tono nito.
Huminga lang siya ng malalim at nagbalik sa kinauupuan niya. Mas minabuti na lang siyang wag ng bigyan muna ng pansin ang lalaki lalo na paggamit nito ang tono ng Heneral. Hindi naman nawala ang ngisi ni Carlo hanggang makarating siya sa may Utility Room para magbihis ng damit pang janitor na kakadala lang kaninang umaga.
"Tao po," tawag niya mula sa may pintuan
Mabilis namang nag-ayos ng uniform niya bago pumunta sa pinto para tingnan kungs sino ang nandoon. Nakita niya si Carla na nakatayo na parang may iniisip.
"Kumusta Carla? Anong sadya natin?" nakangiti niyang tanong dito.
Medyo namula naman ito na parang kinikilig dahil sa expresyon na nabasa niya dito.
"Eh salamat po pala sa pagtulong ninyo sa kakambal ko ha," medyo nag-aalangan na wika ni Carla kay Carlo.
Tumango lang si Carlo at hindi nawala ang ngiti nito sa labi.
"No probs. Nakita ko lang siyang nagtatakbo dun sa gubat sa likod nitong university nung pinapahanap ako ng pwedeng subject nung isang professor ng Biology. Isa pa, natutuwa ako pagmay-natutulungan," simpleng sagot ni Carlo bago magpaalam na dahil kukuha na siya ng gamit panglinis.
Mga ilang segundo pa ay nagpasiya nang umalis si Carla. Naglalakad naman papunta sa may park si Carlo para maglinis. Nasa kalagitnaan na siya ng paglilinis nang may maramdaman siyang mahuhulog. Mabilis naman siyang napalingon sa itaas kung nasaan ang isang studyante na nakalambilin na.
Napansin naman niya na medyo namumutla na ito at anumang oras ay pwede nang bumagsak. Tiningnan naman niya ang paligid niya kung may nakakakita pa nito na iba pero walang kahit isa na nakakapansin dito. Balak sana niyang tulungan ang studyante na nakalambitin pero naisip niyang pwedeng isang trap ang nakikita niya kaya tinanggal niya ang pansin dito. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagwawalis ng tuyong dahon pari na rin ng mga basura.
Hindi naman nawala ang atensyon niya dito hanggang matapos siyang magwalis. Nagsimula naman siyang magdilig ng mga halaman sa may park para obserbahan ang studyanteng nakalambitin. Hanggang ilang minuto pa ay nakumpirma niyang isang ilusyon lang ang studyante. Lihim siyang napangisi at hindi sinasadya na tapakan ang hose ng tubig na dahilan para mapabuga ang tubig sa studyanteng nakalambitin.
Mabilis namang nawala ang nakikitang ilusyon ni Carlo nang matamaan ng tubig abg pader kung saan nakalambitin ang studyante. Sumipol-sipol pa siya habang papunta sa may gripo para patigilin ang tagas.
"Bakit ko nga ba kasi natapakan yung hose?" medyo painosenteng tanong niya sa sarili.
Nasapol na lang niya ang sarili niyang noo habang piangmamasadan ang malaking butas sa hose. Mas minabuti niyang magpunta sa Utility Room para kumuha ng patapal ng butas nang maisara niya ang gripo. Lihim namang napangisi si Carlo nang masira ng trap ng kung sino man ang gumawa niyon. Bumalik naman sa natural na mukha niyang palaging nakangiti ng pumasok siya sa Utility Room.
Mabilis naman niyang hinalukay ang mga lagayan ng mga pandikit sa Utility hanggang mapatigil siya nang may makatok siya na isang sikretong lagayan. Mabilis naman niyang inobserbahan ang paligid kung merong nakasunod sa kanya.
Mabilis naman niyang ibinalik ang tingin sa sikretong lalagyan. Naglabas siya ng papel at ballpen katulad ng papel na ginamit niya sa clinic. Mabilis siyang naprint ng mga letra katulad ng ginamit niya sa clinic. Mabilis namang idinikit ni Carlo ang papel sa sikretong lalagyan.
"For his might and power," bulong niya bago ibalik sa ayos lahat ng gamit at kumuha ng pandikit na sa tingin niyang magagamit na pandikit.
Nagbalik naman si Carlo sa hose at nilagyan ng pandikit at pantapal ito. Medyo hinintay niyang matuyo iyon bago ulit magsimulang magdilig ng mga halaman sa park ng University. Pasipol-sipol naman si Carlo habang nakikiramdam sa paligid.
"What the! Anong nangyari dun?" sigaw ng isang studyante malapit sa kinatatayuan niya.
Nagbingi-bingihan naman si Carlo para hindi mahalata at hindi na rin siya nagbalak na tumingin kung sino ang mga studyanteng iyin dahil mawawalan ng trill ang pag-iimbestiga nila at mas gugulo ang pwedeng mangyari pagmalaman nito na may alam siya. He needs to play safe.
"Nagging clumsy yung bagong janitor at nabugahan ng tubig yung trap," tugon naman ng kasama nung naunang nagsalitang studyante.
"Mahirap kayang gumawa ng mga ganoong trap," reklamo nito.
Medyo lumayo naman si Carlo at tinapos ang pagdidilig. Kumuha naman siya sa malapit na storage room ng timba at mop para linisin kuno yung nagawa niyang basa.
"Kuya saan ang punta mo?" pasimpleng tanong sa kanya ng studyante.
Painosente namang tumingin siya sa studyante at tumingin sa taas kung saan niya nabasa.
"Lilinisin ko kasi yung kalat ko eh. Pagpagka-clumsy kasi ako eh," inosenteng wika niya sabay ngiti.
"Ah kuya, gusto po ninyo ako na lang ang maglinis nun. Baka siguro may gagawin pa kayo," swesyon naman nito.
Napaisip naman si Carlo pero mas magandang makisabay na siya rito.
...
Comments (0)
See all