...
Mabilis namang binunot ni Rayne antg kutsilyo niya na nakalagay sa boots niya at ipinukol sa baba ni Harold.
"Tigilan mo sa pagiging isip bata mo," malamig na wika ni Rayne habang masama ang tingin kay Harold.
Mabilis namang itinaas ni Harold ang dalawa niyang kamay.
"Kalma lang wag kang masyadong hot," wika ni Harold na hindi mapigilang mapalunok.
Agad namang ibinalik ni Rayne ang kutsilyo niya sa boots niya. Mabilia naman silang napatingin sa kakaibang aura na nakatingin sa kanila.
"Mukhang may advising na magaganap," medyo sarcastic na wika ni General Beginning habang nakahalukipkip at nakangiti ng matamis sa dalawa.
Mabilis namang winagayway ni Harold ang dalawang braso niya na parang wala silang ginagawang masama sa harap mismo ng Heneral.
"Mukhang masaya yang ginagawa ninyo ah? Gusto ituloy natin?" wika ni General Beginning na naging ngisi ang matamis na ngiti niya.
Napalunok naman si Harold dahil hindi niya gusto ang ngisi ng Heneral. Samantalang si Rayne ay hindi man lang natinag sa titig ng Heneral. Nagging tahimik ang buong palagid dahil walang balak makialam sa Heneral. Hanggang humagalpak ng tawa ang Heneral na ikinagulat ng lahat ng nasa office.
"Just kidding. Alam ko namang nagkakatuwaan lang kayong dalawa. Naalala ko nga nung nagprank kami kay General Seals kasama ko yung isa pang Heneral at yung Commander. Ending up, na nakalambitin sa ibabaw ng apoy habang nag-iihaw ng pagkain si General Seals. Just a quick tip pagkaharap mo si General Seals or other higher ranks. Don't do any thing na ikakagalit nila o ikaiinis or you'll end hangging your body ng nakatiwarik," taglish na komento ni General Beginning at tinalikuran ang dalawa.
Lumapit naman siya kina Carlo at Venice. Nagpaikot-ikot naman siyang dalawa habang nagbibigay ng quick examination sa dalawa. Nang makita niyang wala namang gaanong pinsalang natamo ang dalawa ay sinenyasan niya ang kasama niya kumuha ng makakain ang dalawa dahil mukhang gutom na ang mga ito base sa obserbasyon niya. Mabilis namang tumango ang kasamahan at kinuha ang pagkain.
Nang maalala niyabg wala pang kain ang mga kasamahan ay siya mismo ang lumabas para kumuha ng makakain para sa mga ito. Pipigilan pa sana siya ng isang high ranking officers na kumuha pero matigas ang ulo niya at nagpumit na siya na ang magdadala nito. In the end ay pumayag na lang ang officer sa kondisyong tutulungan siya nito na magbuhat ng mga pagkain.
"Nag-abala pa kayo General," medyo nahiyang wika ni Cepras nang abutan siya ng sandwich ni General Beginning.
Ngumiti at tumawa lang si General Beginning habang nakatingin kay Cepras.
"It's my pleasure to serve," wika nito at nagtuloy naman sa ibang miyembro para magpatanggal ng gutom pansamantala.
Nang matapos kumain ang lahat ng nasa office ay nag-inat si General Beginning.
"Cleansing tayo," panimula ni General Beginning.
Nagsiayos naman ang mga miyembrong nandoon para sa gagawing cleansing ng Heneral. Inilabas naman ng Heneral ang crucifix niya at inalis sa leeg niya. Nagsign of the cross siya sa hangin habang nakatapat sa dalawa.
Most high,
Glorious God,
Let your light fill the shadows of my heart.
True faith,
Certain Hope,
Perfect Love,
Awareness and knowing,
That may I fulfill your Holy Will.
Mula sa sign of the cross ng Heneral sa hangin ay nagsilabasan ang puting liwanag at gumapang papunta sa kanilang dalawa. Umikot-ikot ito mula ulo hanggang paa. Nang nagtap ito sa lupa ay mabilis iyong nadissolved. Napatango na lang ang Heneral.
"Tapos na tayo na clensing. Healing na tayo," wika nito at lumapit sa dalawa.
Hinawakan niya ang balikat ng dalawa at pumikit.
Glorious Archangel St. Raphael, great prince of the heavenly court, you are illustrious for your gifts of wisdom and grace. You are a guide of those who journey by land or sea or air, consoler of the afflicted, and refuge of sinners.
I beg you, assist me in all my needs and in all the sufferings of this life, as once you helped the young Tobias on his travels. Because you are the "medicine of God" I humbly pray you to heal the many infirmities of my soul and the ills that afflict my body. I especially ask of you the favor, and the great grace of purity to prepare me to be the temple of the Holy Spirit. Amen.
Luminous green lights came out from General Beginning's hands. Mabilis naman itong gumapang tulad ng puting liwanag pero nanging anyong apoy ang green light. White fire with light green tip.
Mabilis na nakaramdam ng ginahawa ang dalawa dahil lahat yata ng stress nila sa katawan ay tinatanggal ng apoy na galing sa Heneral. Nakikiramdam din ang Heneral sa posibleng internal damage ng dalawa dahil hindi niya sigurado ang mga kundisyon nito nang magkita silang muli. Medyo nagging careful siya sa paggamit ng apoy niya kahit na iyon ay may kakayahang magpagaling ay may kakayahan din iyong makapanakit kaya kailangan ng matinding konsentrasyon para dito.
Nakahinga naman ng maluwag ang Heneral nang wala siyang nakitang malalang pinsala sa dala. Both of them are perfectly fine for him kaya minabuta na lang niyabg tanggalin ang muscle pain at mga stress sa katawan ng dalawa. Nang matapos na niyang gawin ang trabaho niya sa dalawa ay agad niyang tinanggal ang kamay niya.
"Matutulog na yata kayo?" komento niya na dahilan para sikuhin ni Carlo ang inaantok na si Venice.
Mabilis namang tiningnan ng masama ni Venice si Carlo at tumingin sa Heneral na nakacross arms na simpleng inoobserbahan ang dalawa. Napatingin naman sa kanya ang dalawa na balak na sanang magtalo. Dahil na rin sa history ni General Beginning at Venice ay mas minabuti na lang ni Venice na tumahimik na ikinangiti ni Carlo dahil baka magreport pa sa ang Heneral kay General Seals.
Luminhon naman si General Beginning sa kinauupuan ni Cepras.
"Nasan ang Zone's Base Camp?" tanong nito.
Napatango na lang si Cepras dahil alam niya ang lugar na tinutikoy ng Heneral. Ang lugar kung saan ginagawa ang lahat ng strategic plans at ang interrogation pati na rin ang taguan nila sa pagdating ng mga banta sa Zone. Isang lugar kung saan nag-iiba-iba ng time and space location kaya medyo mahirap hanapin kung sakaling may kalaban na tinatakasan.
"Janitor's room," simpleng tugon ni Cepras.
Napatango na lang si General Beginning at tumingin sa dalawa. Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod sa kanya. Hindi naman nagsalita ang dalawa at sumunod na lang sa Heneral. Nagging tahimik naman ang lahat ng nasa Office dahil alam nilang may kailangang pag-usapan ang mga ito lalo na sa Heneral.
Nang makarating sila sa tapat ng Janitor's room na katabi naman ng Utility Room. Napangiti na lang si General Beginning dahil sa mga signage na pinaglalagay sa Zone na ito. Mabilis namang binuksan ng Heneral ang pintuan at pinauna niya ang dalawa. Nang makapasok sila ay nasa isang interrogation room.
Naupo naman si General Beginning sa unang upuan na nandoon at sumunod naman sa kanya si Carlo at Venice.
"Give me all the details na nakuha ninyo kahapon," utos ng Heneral.
Lumunok muna si Carlo bago magsalita.
"First thing may nakita akong red sand sa Utility Room na tinatambayan ko. I'm aware na kung ano ang red sand na iyon at dapat sasabihin ko iyon sa mga Superior ko pero na corner ako ng mga journalists ng campus. Nagkaroon din ako ng pag-uusap sa mga superior ko dahil sa extra work na binigay nila sa akin pero nakalimutan kong sabihin iyon. Nang makabalik ako sa Utility Room ay wala na doon ang red sand," panimulang paliwanag ni Carlo.
Tumingin naman si General Beginning kay Venice na tila hinihintay ang report nito. Nakaramdam naman ng professional atmosphere sa pagitan ni General Beginning at ni Venice at alam ni Carlo na hindi magandang magbiro sa pagkakataong ito.
"I directly do my job, sir," panimula ni Venice.
Napatango naman ang Heneral.
"Discuss furthermore," tugon ng Heneral.
"I act a strict professor just to make things possible. Kaya marami akong dinala sa Detention para macover ang layunin kong hanapin yung strange aura na naramdaman ko nung papunta akong faculty. But, I loose the sight of him. Mukhang may nakuha akong trace papunta dun sa strange aura na naramdaman ko pero I'm not so convince by that dahil baka nililito lang ako nito. Carlo, remember the Sleeping spell incident? Yun ang unang clue na nakuha ko then the familiar na umatake kay Carlo at sa studyanteng kasama niya. That is the second clue base na rin sa sinabi ni Ms. Gail na mga information na nakuha niya. Maybe the strange aura was a Vampire or Witch," mahabang paliwanag ni Venice.
"Like sa sinabi ni Venice, I doubt that na may koneksyon ang dust na nakita ko sa Utility room. I think mayroong gustong gumawa ng sort of a ritual in the forest behind the university. Na nakita naman ng nakita kong studyante ng pinapunta ako ni Ms. Gail sa gubat. Then, the thing is sino ang may-ari ng maraming familiar na nakalaban namin. Sigurado akong medyo mahirap para sa isang witch na hawakan sila. Only Vampires could hold them much base sa mga pag-aaral ko sa old documents ng Headquarters noong newbie pa lang ako," dagdag ni Carlo na seryoso na rin.
General Beginning just nod to what the two already said. Nakita niya ang potential sa dalawang ito. Nagawa nilang mapagdugtong ang mga nakuha nilang impormasyon sa napakaikling oras lang. Like the two Generals na palaging magkasama sa pagplaplano ng mga bagay tulad nito si General Seals as the Chief of Defence and Strategic Action at si General Eternity as Chief of Offensive Action and Interrogation na parehing hindi nagkakamali sa pagkalkula sa mga bagay at misyon na kasama sila.
"Both of you are perfect match for each other. Ngayon alam ko na kung bakit kayo ang pinagtambal ni General Seals at sana wag ninyo siyang bibiguin. Speaking of General Seals palagi kong naalala ang mga words of wisdom niya," wika ni General Beginning na pinababa na ang atmosphere sa paligid nila.
Tinanggal na niya ang sobrang seryosong atmosphere ng nagsimula siyang ngumiti.
"Ano naman po yun?" medyo curious na tanong ni Carlo na nagmood shift na.
"Dawn, he loves the dawn. Ang takip-silim ay isa sa mga pinaka magagandang bagay na gusto niya dahil doon nagsisimula ang pinakaunang liwanag sa buong araw. For him, light is always hope kahit na merong anino. He still loves the light with the shadow. A rise from a downfall," wika ni General Beginning bago tumayo.
"Baka malate na kayo, sa ngayon dismiss lang muna kayo. I will let both of you take care of this things. Hindi ko na lang muna sasabihin kay General Seals dahil alam kong matatapos ninyo itong imbestigahan sa sobrang ikling panahon lang," paalam ni General Beginning bago umalis at iwanan ang dalawa.
"This may be the dawn of our journey," hindi mapigilang bulong ni Carlo.
---
Comments (0)
See all