Vatican Time 5: Dawn
Nakatayo sina Carlo at Venice sa office ni Gail sa Hospital.
"Ngayon, may nadagdag na namang isang muntikang biktima," panimula ni Gail.
"Miss, sa tingin ninyo ano ba ang nangyayari?" tanong ni Venice.
Bumuntong hininga si Gail dahil wala din siyang alam na pwedeng isagot. Even she's clueless to what is happening. Bumaling naman siya kay Venice.
"Nakakuha naman sigurado nung luminous plant na hinihingi ko di ba?" tanong ni Gail.
Medyo nabigla si Venice sa itinatanong ni Gail.
"Oo, meron kaso maliit lang," tugon ni Venice sabay inilabas mula sa bulsa ang isang maiit na sanga na may ilang dahon pang nagliliwanag.
"Mukhang maganda talaga ang pagkakatago ng Heneral ng punong iyon. At to this point ay hindi namin alam kung sino ang pasimuno ng mga pag-atake sa studyante," kometo ni Gail.
"Paano naman yung mga umatake sa aming mga familiars?" reklamo ni Venice.
"Familiars? Nakwento na sa akin yan ni Carlo kanina habang nasa E.R. kaming dalawa. Siguro naman sa Headquarters na inform kayo sa mga mythological species na pwedeng humarang sa inyo. Pwedeng isa sa dalawang supernatural being ang pwedeng nagpadala nun dito. Either a Vampire or Witch," paliwanag ni Gail.
"Kung ganoon, pwede nating isipin baka isang bampira ang nagpadala nun dahil mukhabg may nalaman yung studyante na hindi dapat malaman," sobrang kalmadong wika ni Carlo.
"May point ka, pero sa ngayon mas magandang pagtuunan muna natin ng pansin ang dalawang biktima," swesyon ni Gail.
Inilabas naman ni Gail sa table niya ang dalawang folder.
"Nanghingi ako ng tulong sa Home of the Selfless na nakakasakop sa Zone natin. Nagpadala na rin sila ng tao para imbistigahan ito pero mas minabuti kong hanggang dito na lang muna ang magging bahagi nila sa kaso," paliwanag ni Gail ay ibinigay sa dalawa ang folder.
"Isang extreme spell casting na pampatulog ang ginamit. Sigurado ako na sinadya yun ng Caster para matalaban ka rin pero walang epekto dahil sa Spiritual Barrier na meron tayo," paliwanag ni Gail.
"Kung ganoon mukhang target na rin nila ako. Sigurado akong ilang araw mula ngayon ay plansado na ang plano nila," kalmadong wika ni Carlo sabay tingin kay Venice.
"Oh wait..."
"Ok gets ko na, mukhang kailangan din ng counter plan na pwedeng gamitin. Kailangan tayong makapaghanda from a to mix alphanumeric plans. Mas maraming plano mas maganda. Carlo mukhang kakailanganin natin yung expertise mo na gumawa ng traps," swesyon ni Venice.
"Ako na ang bahala d'yan," pagsang-ayon ni Carlo.
"Nga pala hindi natin gaanong kilala ang pwedeng makalaban natin sa pagkakataong ito. Nangyari na ito noon kahit ayako kayong isali sa gulo ay kasali na kayo. Kailangan ko kayo iinform kung ano ang pwedeng mga dasal ang magagamit ninyo," wika ni Gail.
Nagkatinginan ang dalawa dahil rinig na rinig nila abg sinabi ni Gail.
"Miss anong ibig ninyong sabihin na nangyari na ito noon?" curious na tanong ni Venice.
Nagpilit na lang na ngumiti si Gail.
"It's better na sa susunod na natin pag-usapan ang mga bagay na yun. For now kailangan natin ilagay ang focus ninyo sa bagay na ito. St. Michael Archangel prayer at prayer in Day of Wrath ang pinakaoffensive prayer na pwedeng magamit. Kung dipensa naman ay pwede ang Prayer before Crucifix," paliwanag ni Gail.
"Sa tingin ninyo tatalab talaga ang mga dasal na yun?" tanong ni Carlo.
"Yes to the point na pwede na magiging alikabok ang mga kalaban ninyo. At base sa antas at level ninyo ngayon. Level 3 intercessor na kayo di ba? A step below us na lang kayo," tugon ni Gail.
Tumayo naman si Gail at inayos ang vest niya. It's already 9 in the evening.
"Pwede na kayong umalis, sa pagdaan ninyo ng pintong iyan labas ninyo ay mismong kwarto ninyo. Sleep tight," paalam ni Gail.
Kahit maraming tanong ang dalawa ay nagawa nilang pigilin ito at itanong na lang sa susunod. Samantala, napabuntong-hininga na lang si Gail habang nakasandal sa ipuan niya.
"I hope na mas malakas kayo kesa sa mga kalaban natin," bulong niya.
Mabilis namang nahiga si Venice. Samantalang dumiretso muna sa C.R. si Carlo matapos makakuha ng mga damit. Nakahiga pa rin si Venice nang makalabas na ng kwarto si Carlo.
"Wala ka man lang balak maghinaw man lang," sita ni Carlo.
Nakataas naman ang kilay ni Venice nang tumingin kay Carlo.
"Mamaya na," wika ni Venice sabay senyas.
Mabilis namang dumampot ng isang unan sa higaan niya si Carli sabay bato nito kay Venice at nasapol ito sa mukha. Sinamaan naman ni Venice ng tingin si Carlo at binato din ng unan.
"Wala kang utang na loob," sigaw ni Venice.
Tumawa naman ng mahina si Venice at ngumisi.
"Trabaho mo yun," pang-aalaska ni Carlo.
"Maghinaw ka na kasi kundi babatuhin kita ulit," babala ni Carlo.
Napairap nalang si Venice at tumayo para maglinis ng katawan.
"Makikita mo kung gaano ako ka sexy," pagmamayabang ni Venice.
Tumawa na lang ng nakakaloko si Carlo.
"Iba na lang ang lokohin mo. Mas marami na akong nakitang demonyong mas maganda at sexy kesa sayo," pang-aalaska na naman ni Carlo.
Napairap na lang si Venice at malakas na isinara ang pintuan ng banyo.
"Ikumpara daw ako sa demonyo," inis na wika ni Venice bago magsimulang maglinis ng katawan.
Hindi naman mapigilang mapangiti ni Carlo sa mga pinagsasabi niya. Mukhang hindi na gaanong buo ang araw niya na hindi naiinis si Venice. Sa totoo ay nagpapasalamat talaga siya sa pagtulong nito at pagligtas sa kanila dahil kahit siya ay walang laban sa dami ng familiars na kalaban niya.
Hindi naman sa hindi niya kayang magpasalamat ay sadyang balak niyang asarin muna si Venice. Napabuntong-hininga na lang siya nang maalala ang mga nangyari kanina, mula sa pagcast ng sleeping spell sa isa sa mga batang hawak nuya sa detention hanggang sa mga familiars na nakalaban nila kanina.
"Lutang ka naman," nakataas ang kilay na sita ni Venice na kakalabas pa lang ng banyo.
Mabilis naman siyang napatingin dito at sinabayan ang pagtaas ng kilay ni Venice.
"May problema ka sa pag-daydream ko?" medyo naiinis din niyang sagot.
Binato na lang ni Venice si Carlo ng towel na nasa buhok niya at mabilis na nahiga sa kama. Napangisi na lang at napailing na lang si Carlo sa kinahihigaan niya. Naupo na lang siya sa higaan niya at inayos ang towel na ibinato sa kanya.
"Salamat pala," sigaw ni Carlo sabay mabilis na humiga.
Napaupo naman si Venice nang marinig niyang magpasalamat si Carlo.
"May sinasabi ka?" tanong niya rito.
Bumaling naman si Carlo kay Venice.
"May sinabi ba ako?" painosenteng tugon ni Carlo pinipigilang ngumiti.
Napailing na lang si Venice at tumingin sa ibahg direksyon.
"Baka imahinasyon ko lang," wika ni Venice sabay higa ng patalikod sa direksyon ni Carlo.
Napangiti naman si Carlo at tumayo para patayin ang ilaw. Lumapit naman siya sa tenga ni Venice at bumulong.
"Salamat pala uli at good night," bulong niya sabay takbo papunta sa higaan niya at nagtaklob ng kumot para hindi halatang nagpunta siya kay Venice.
Sa kabilang banda, namula naman si Venice sa bumulong sa kanya. Mabilis naman siyang napatingin sa higaan ni Carlo at mukhang tulog na ito sa obserbasyon niya.
"Imahinasyon mo lang yun, Venice. Wala sa ugali ng lalaking yun na magpasalamat," bulong niya sa sarili niya.
Rinig naman ni Carlo ang bulong ni Venice at hindi niya mapigilang mapangiti lalo na sa mga pinagsasabi niyo.
"Okay na Carlo. Nakapagpasalamat ka na," isip-isip niya.
Mabilis namang nagising ang dalawa sa sunod-sunod na katok galing sa pintuan ng kwarto nila. Nagkatinginan na lang ang dalawa na tila nagsasabihan kung ang magbubukas ng pintuan. Una namang umiwas ng tingin si Carlo at siyang nagbukas ng pintuan. Habang si Venice ay waging nakangiti na pumunta sa banyo.
"Nasaan si Venice?" tanong ni Harold pagkabukas na pagkabukas ng pintuan.
Mabilis namang lumingon at inilibot ni Carlo sa buong kwarto ang paningin niya para hanapin si Venice.
"Siguro nasa banyo, bakit anong meron?" tanong ni Carlo.
"Nagpatawag ng mga tao mula sa Home ang Direktor. Gusto niyang malaman kung may mga internal injuries kayong tinamo. Alam mo na for your own safety," paliwanag ni Harold.
"Liligo lang siguro muna ako. Sa Office ni Sir. Cepras gagawin yung check up di ba?" tanong ni Carlo.
"Oo, sunod na lang kayo," wika ni Harold sabay kaway bago umalis.
Kakalabas lang ng banyo ni Venice nung isinarado ang pintuan.
"Ano daw meron?" taka niyang tanong kay Carlo.
"Check up daw. May mga pumunta galing sa Home of the Selfless para icheck up tayong dalawa dahil baka may internal injuries," paliwanag ni Carlo bago kumuha ng damit at pumasok sa banyo.
Napatango-tango na lang si Venice at kinuha ang suklay. Biglang naisip ni Venice yung nangyari kagabi. Hindi niya alam kung panaginip lang iyong pagpapasalamat ni Carlo sa kanya.
"Mataas yata ang pride ng isang iyon para magpasalamat. Wala din yata sa ugali at hindi rin yata marunong tumanaw ng utang na loob,"isip-isip niya hanggang matapos ang pagsusuklay niya ng buhok.
Lumabas naman ng banyo si Carlo na nakaayos na at handa nang pumunta sa Office ng Direktor. Lumingon naman siya kay Venice na nag-aayos pa ng buhok.
"Tapos ka na," tanong niya.
"Ayos na ako," tugon ni Venice at inunahang magbukas ng pinto si Carlo.
Mabilis naman siyang dumiretso sa Office. Naiwan namang nakatingin sa pintuan si Carlo at tulala.
"Problema ng isang iyon?" wika niya bago matauhan.
Mabilis naman siyang sumunod kay Venice papunta sa office. Pagkapasok na pagkapasok niya ay tumambad si General Beginning at si Venice na masama ang tingin niya dito.
"Kumusta Carlo," professional na bati nito sa kanya at nakipagkamay.
"Bakit nga po pala kayo nandito?" tanong ni Carlo.
Hindi naman nabigla si General Beginning bugkus ay ngumiti lang ito.
"I'm in the Home of Selfless recently dahil sa dami ng medical request sa ospital nila. Kailangan nila ng dagdag na tao so I volunteer for it. Then, we had a call from the director of Zone 66 at nanghihingi ng Check up para sa inyong dalawa kaya nag-volunteer uli ako," wika ni General Beginning habang nakaakbay kay Carlo.
"Dakilang Volunteer," bulong ni Carlo.
Tumawa naman si General Beginning at umalis sa pagkakaakbay kay Carlo at sinenyasan na umupo sa tabi ni Venice na masama na din ang tingin sa kanya. Nang papaupo na si Carlo ay nakita niya si Harold na katabi ni Rayne na nakapoker face. Medyo nakanguso ito habang may binubulong kay Rayne.
"Grabe talaga pagtigahead quarters ka. May special treatment," parang batang wika ni Harold.
...
Comments (0)
See all