...
Hindi naman mapigilang matawa uli si Carlo.
"Grabe naman kayo, pwera biro wala pa talaga kasi inuuna ko muna ang sarili ko," dagdag ni Carlo.
"Ohhhhh," sabay-sabay na wika ng mga studyante.
"Bakit? Masama ba unahin ang sarili?" tanong ni Carlo.
"Idol ko na si Sir, love yourselt muna daw," asar ng iba.
"Babaan ang boses baka marinig tayo ni Venice at madagdag anh sintensya ninyo," wika ni Carlo ng mapansin niyang umiingay na.
"Sir kilala po ninyo yung disciplinary Advisor/Officer?" bigla namang tanong ng studyante.
"Yeah, medyo matagal ko na siyang kilala," simpleng pagsisinungaling niya.
"Sir, ganun ba talaga ang ugali ni Miss Venice?" tanong ng isang studyante.
"Hindi naman, pero siguro ginagawa lang niya ito para sa ating lahat. Di ba sa field na kayo pagnakatapos na kayo? She was just preparing all of you to that," simpleng tugon ni Carlo.
Nagkaroon ng kaunting katahimikan at muling nagsimulang umingay. Nagkaroon pa ng ilang tanong sa personal na pagkatao ni Carlo ay malugod naman niya iyong sinagot.
"Class pwede na kayong umuwi tapos na ang forum," dismiss ni Carlo.
"Sir pwede naman namin kayong kausapin di ba?" tanong ng isang studyante bago umalis.
"Oo naman siguro, kung advice pwede pero kung pinansyal hindi eh," tugon ni Carlo kasunod ang pagtawa.
Mga ilang minuto pa ay nagsimulang maglabas ang mga studyante hanggang maiwan ang una niyang kinausap. Kaya mabilis niya itong nilapitan at tinapik ang balikat nito.
"There's any problem?" tanong ni Carlo.
Medyo namumula ang mata na tumingin ang studyante kay Carlo.
"May death threat po kasi sa akin," mahina nitong tanong.
"Oh sino naman ang nagpadala niyon sa iyo?" concern na tanong ni Carlo dahil may masamang kutob siya dito.
"Si..."
Hindi naman nagawang matuloy ng studyante ang sasabihin nito nang nawalan ito ng malay kasabay ng kakaibang boses na bumubulong malapit kina Carlo. Mabilis namang inilibot ni Carlo ang paningin para hanapin ang pinaggalingan ng boses pero kahit siya ay bigo na makita ang pwedeng panggalingan.
Kaya mas minabuti niyang buhatin ang studyante at dahil may kapayatan ito ay madali lang niyang nabuhat. Nagmadali siyang bumaba at dinala sa Clinic ang studyante. Dahil na rin sa itsura niyang nagmamadali ay mabilis na nahawi ang dadaanan niya. Napansin naman ni Gail si Carlo na papunta sa direksyon niya kaya mabilis niyang binuksan ang pintuan para madaling makapasok si Carlo. Hindi naman nagkamali si Gail dahil mukhang Clinic talaga ang pupuntahan nito.
"Anong nangyari?" tanong ni Gail nang maigiga ang studyanteng walang malay.
"Pakicheck muna ang pulse niya," seryosong wika ni Carlo.
Napatango na lang siya at ichineck ang studyante nang mapansing maayos naman ito ay mabilis niyang hinarap si Carlo.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Nag-uusap kami tungkol sa death threat na pinadala sa kanya. Nung sasabihin na niya kung sino ang nagpadala niyon ay nakarinig ako ng casting ng spell na sa tingin ko na nagpatulog sa kanya," paliwanag ni Carlo.
Naupo na lang sa may paahan ng studyante si Gail.
"Buti hindi ka tinalaban nung casting, sigurado ako kung tinalaban ka ay dadalhin na kayo sa kuta ng nagbigay ng death threat sa batang ito," qika ni Gail sabay tingin sa studyante.
"Sa tingin ko nga rin," pagsang-ayon ni Carlo.
Nakaramdam naman ang dalawa ng masamang presensya na papalapit sa Clinic.
"Seal the door," utos ni Gail.
Mabilis namang kumuha ng nakabilog na papel sa sinturon niya si Carlo at idinikit sa pader.
"For his holiness," bulong niya at dumikit na ang papel sa pintuan at pader.
Nakaramdam sila ng malakas na pagtulak sa pintuan pero hindi noon nagawang sirain ang papel na nakadikit. Nakatayo ang dalawa sa likod ng pintuan sa loob ng isang oras hanggang mawala ang kalabog. Napatingin si Gail sa relo niya sa braso.
"The sun is setting, sigurado ako na bumalik na iyon sa pinanggalingan niya. Tumawag na rin ako kina Harold na dalhin itong bata sa hospital na pagmamay-ari ng Society para doon ipawalang bisa ang spell. Kahit hindi ako ang leader mo ay pwede ba akong humingi ng pabor?" tanong ni Gail.
Tumango naman si Carlo.
"Ano po ba ang kailangan kong gawin?" seryoso ng tanong ni Carlo.
"Pumunta ka sa may likod ng Science Building at may makikita ka doong gate. Pasukin mo iyon pero dapat alisto ka pagnakapasok ka doon. Kailangan mong hanapin ang isang puno na nagliliwanag ang mga dahon. Pumutol ka ng sanga niyon at dalhin mo dito. Magagamit natin iyon para pigilan ang mga masasamang elemento na lumalapit sa atin," detalyadong wika ni Gail.
Muling tumango si Carlo bago hatiin sa gitna ang papel gamit ang inihagis sa kanyang kutsilyo ni Gail. Ipinatong naman niya iyon sa table malapit sa kanya. Naglakad na siya palabas papunta sa lugar na sinasabi ni Gail. Tulad ng sinabi ni Gail na merong gate. Maingat niyang binuksan ang Gate para walang makarinig sa kanya. Naglakad-lakad siya at nasapol na lang niya ang kanyang noo dahil wala siyang dalang kahit anong flashlight.
Kahit na wala siyang dalang flashlight ay pinagpatuloy niya ang paglalakad. Dahil maraming matataas na puno at palubog na rin ang araw ay medyo kadiliman na sa nilalakaran niya. Halos ilang oras na siyang naglalakad kaa nilamon na ng kadiliman na ang paligid. Kaya lalong nagging maingat si Carlo sa paglalakad dahil sa dami ng pwedeng mangyari sa kanya.
Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad ng marinig niya ang isang matinis na sigaw. Napalingon siya sa posibleng direksyon na pinanggalingan ng sigaw. Muli naman iyong sumigaw at base sa tunog ay malapit lang iyon sa kinatatayuan niya. Mabilis niyang tinakbo ang posibleng lugar kung nasaan ang may-ari ng tinig.
Tulad ng inaasahan niya ay nakararing siya sa lugar kung saan nakatayo ang may-ari ng tinig. Kahit nakatakip ang mukha nito ng kamay ay nagawa ni Carlo na makilala ito dahil sa liwanag ng buwan. Mabilis niya itong niyakap na dahilan para mapasigaw muli ito.
"Shhh, ako to," pakilala niya.
"Sir Carlo?" tanong ni Claire.
"Oo," tugon niya habang nakayakap pa rin kay Claire.
"Anong nangyari?" tanong niya.
"Hinahabol ako nung mga maiitim na bagay," saad nito.
Tinanggal naman ni Carlo ang pagkakayakap kay Claire at hinawakan ang kamay nito.
"Iaalis kita dito," bulong niya at nagsimulang maglakad.
MNapatigil naman sila ng makita ang napakaraming pares ng pulang mata sa nakapaligid sa kanila.
"Dead end," sumeryosong wika ni Carlo.
Mas humigpit naman ang pagkakahawak ng kamay ni Claire kay Carlo. Lumingon naman sa paligid si Carlo tingnan kung magagawa nilang makatakas laban sa nilalang na nakapaligid sa kanila.
Hinawakan naman ni Carlo ng isa pa niyang kamay ang soot niyang kwintas. Mas nagging kumplikado ang mga pangyayari dahil naiwan ni Carlo sa clinic ang ilan sa mahahalagang gamit niya lalo na ang dust na ginamit niya kahapon.
"Need some help?" wika ni Venice na nasa likuran ng mga nakapalipot sa dalawa.
Naglabas naman si Venice ng holy water.
My God,
I believe, I adore, I hope and I love Thee!
I beg pardon for those who do not believe,
do not adore, do not hope,
and do not love Thee.
Amen.
Sinasambit ni Venice ang mga katagang iyon habang winiwisik niya ang holy water sa mga nilalang na nakapalibot sa dalawa. Napasigaw na lang sa sakit ang mga nadadampian ng holy water. Nagsisiusok naman ang natatamaan na parte ng katawan nito. Napatabi naman ang mga nilalang para makaiwas sa wisik ni Venice.
Ikinumpas naman ni Venice ang kamay niya para senyasan na sina Carlo na gamitin ang pagkakataon para makatakas. Mabilis na binuhat ni Carlo si Claire na medyo nanginginig pa sa takot. Mabilis naman siyang tumakbo papunta sa direksyon ni Venice na tuloy pa rin sa pagwisik ng Holy Water. Nang sandaling makarating sila ay tumakbo ang dalawa habang buhat pa rin ni Carlo si Claire.
Napatigil na lang ang dalawa dahil muli naman siyang napalibutan ng mga nilalang. Wiwisikan naman ni Venice ang mga nilalang pero naubos na ang dala niyang Holy water.
"Good luck na lang sa atin," sarcastic na wika ni Carlo at ibinaba si Claire sa lupa na wala nang malay dahil sa takot.
"Nakalimutan mo yatang may kasama kang 3rd level Intercessor at isa ka ring 3rd level," wika ni Venice.
Hindi naman napigilan ni Carlo ang pagngisi niya dahil sa sinabi ni Venice. Inilapad naman ni Venice ang kaliwang kamay niya.
"Faith is stronger than my fears," bulong niya.
Nagliwag naman ang sing-sing na nakasuot sa kaliwang kamay niya. Lumaki ito ng anyo at nagging isang shot gun. Napangsi naman si Venice at ikinasa ang baril na hawak niya.
"Una na akong uubos sa mga familiars na ito," nakangising paalam ni Venice at nagsimula nang barilin isa-isa sa dibdib.
Napailing na ang si Carlo pero hindi pa rin natatanggal ang ngisi niya sa labi. Now, he gonna copy her sadistic personality.
"Faith is stronger than my fears," wika naman ni Carlo sabay hila sa leeg niya ang suot niyang crucifix. Mabilis namang natanggal ang crucifix na nakasabit sa leeg niya at nag-anyong isang latigo.
Mabilis na pinalo ni Carlo ng latigo ang mga familiars na papalapit kina Claire at Venice. Mas nagging maingat siya sa kilos niya dahil hindi niya gaanong makita ang mga ito. Ang liwanag na galing sa buwan at sa hawak niyang latigo ang nagisislibi niyang tanglaw laban sa mga ito. Tuwang-tuwa naman si Venice sa bawat putok niya ng baril ay natatamaan ang familiar at sigurado siya na ilan sa mga ito ay nag-reretreat na sa pagkakataong ito.
Nakaramdam naman ng isang nilalang na dadapo sa likod niya pero nga ilang segundo pa ay walang tumama. Naramdaman na lang niya si Carlo na nasa likuran at doon nagbabantay.
"Minsan kasi wag kang tira ng tira. Always watch your back," rinig niyang bulong nito na sigurado siya na ginaya na nito ang presonality niya.
Mabilis na nakaramdam ng inis si Venice at wala na siyang pakielam kung may tatamaan ba o wala. Narinig naman niyang tumawa si Carlo na nang-iinis.
"Galit na siya," natatawang bulong nito.
Mabilis naman niyang inihampas sa braso nito ang hawak niyang baril.
"Isa pang tawa mo. Ipapalunok ko na itong shot gun ko sayo ng buo," inis niyang banta.
Tinawanan na lang siya ni Carlo na halatang iba na naman ang personality. Napailing na lang siya dahil mukhang may presonality problem si Carlo. Inabot naman anng dalawa ng halos isang oras para mapaalis o papatay lahat ng umaatake sa kanilang familiars. Si Venice ang nagging taga-atake dahil sa baril nito samantalang si Carlo ang nakaantabay sa likuran ni Venice at palaging nakamasid sa paligid.
"Nakakapagod!" reklamo ni Venice habang naglalakad pabalik.
"Ikaw naman ang pumatay dun sa lahat ng familiars," tugon sa kanya ni Carlo habang buhat si Claire na wala pa ring malay.
"Nga pala, kailangan kong kumuha nung..."
---
Comments (0)
See all