"Well, nakumbinsi mo ako," wika ni Harold na gusto nang sapakin si Carlo na natawa pa rin.
"Haha, sinubukan ko lang kung nagagawa ko pa rin yun. Puro paper works na kasi ang inaasikaso ko lately nung sa Headquarters," natawa pa ring ni Carlo.
Tumayo naman si Harold at ilang sandali pa ay nagpaalam dahil baka masipa pa niya ang subordinate ng wala sa oras.
"Anong nangyari sayo? Nakaharap ka ba ng black lady?" biglang tanong ni Gail na nakasuot ng doctor's vest nang makasalubong siya.
Ngumiwi nalang si Harold.
"Hindi napagtripan ako," sagot niya.
"Nino? Ni Venice?" nacurious na wika ni Gail.
"Hindi si Carlo," tugon ni Harold.
Napangisi naman si Gail at kumapit sa braso ni Harold.
"Siguro mamaya na ako kakain, dun tayo sa guidance kwentuhan mo kami ni Rayne,," wika ni Gail sabay hila kay Harold papunta sa Guidance Office.
Naglibot-libot naman si Carlo sa loob ng Utility room para makita ang bawat gamit na nandoon. Ang nakakuha ng pansin niya ay ang isang bote na puno ng pulang buhangin. Mabilis niya yung kinuha at tiningnan.
"Hindi ko to gusto, mukhang kailangan kong ireport ito kayla Harold," wika niya sa sarili
Muli niyang ibinalik ang bote sa kinalalagyan nito at iniayos na parang hindi nagalaw. Papalabas na sana siya ng Utility Roon nang may biglang humarang sa kanyang dalawa na babae.
"Hello," masayang bati ng babaeng nakasalamin.
Nakapansin pa si Carlo ng kinang sa salamin ng babae. Mabilis naman siyang ngumiti. Much a welcoming smile.
"Anong maitutulong ko sa inyo?" tanong ni Carlo.
"Kuya bagong janitor ka ba dito?" biglang tanong ng babaeng may hawak na maliit na notebook.
Tumawa naman ng mahina si Carlo dahil mukhang mula sa Campus paper ang dalawang babae.
"Oo, may maitutulong ba ako?" wika niya with full conviction.
"Wow naman, pwedeng pumasok?" tanong ng nakasalamin.
Napakamot na lang ng batok si Carlo at tumabi sa dadaanan nila. Mabilis namang pumasok ang dalawa at inilibot ang paningin sa buong Utility Room. Nagsulat naman ng kung ano ang babaeng may hawak na notes.
"Kuya, ako nga pala si Carla," pakilala nung may salamin.
Ngumiti naman uli si Carlo at nag-abot ng kamay kay Carla.
"Carlo," nakangiti niyang pakilala.
Bigla namang namula si Carla lalo na nung nginitian siya ng Carlo.
"Clare nga pala," pakilala naman ni Claire.
Nakipagkamay naman si Carlo sa kanya. Katulad ng ginawa ni Carlo kay Carla ay nginitian din niya si Claire. Tulad ng inaasahan niya ay namula ito. Napansin naman ang hubog ng mukha ng dalawa na magkatulad pati ang skin tone magkatulad. Magkaiba lang ang kulay ng mata at buhok.
"Sabihin nga ninyo sa akin, kambal ba kayo?" tanong niya.
Nagkatinginan naman ang dalawang babae.
"Pano ninyo nalaman?" sabay na tanong ng dalawa.
"Napansin ko lang," simpleng tugon niya.
"Ano nga pala ang maitutulong ko?" dagdag niya.
"Kailangan po namin kasi to sa Campus paper?" singit ni Carla.
"I see pero anong kinalaman ko d'yan?" tanong ni Carlo.
"Marami pong nakuha ninyong pansin kanina. Lalo na po yung mga higher years. 'May itsura daw po kayo pero bakit Janitor ang kinuha ninyo?' Yan po kasi ang tanong ng iba," tanong naman ni Claire.
Tumawa naman ng mahina si Carlo dahil mukhang hindi pwede ang mga sinabi niya kay Harold kanina.
"Ito kasi yung una kong nakuhang trabaho pagkatapos kong makagraduate, so I will take it kasi sayang naman yung opportunity. Kailangan ko rin ng trabaho," simpleng tugon ni Carlo.
Nagsulat naman si Claire samantalang nag-isip pa muna ng backup question si Carla.
"Eh bakit, hindi po kayo nag-apply ng Model?" tanong ni Carla.
"Hindi naman ako ganun ka gwapo at I think I couldn't fit in into the role," tugon naman uli ni Carlo.
"May ipapa... May iba palang tao dito?" medyo tumaray na boses ni Venice lalo na nang tinitingnan niya sina Claire at Carla.
Napalunok na lang ang dalawa dahil balita sa buong Campus ang katarayan ni Venice at mukhabg ginawa pang discipline officer.
"Hey, parang mainit ang ulo mo. Inom ka muna ng muriatic acid baka lumamig yang ulo mo," biro ni Carlo nang maramdaman ang intense aura ni Venice.
Napataas naman ang kilay ni Venice.
"Eh ikaw kaya ang lumaklak ng muriatic acid na yan," mataray na wika ni Venice kay Carlo.
Tumawa naman ni Carlo at pilit na bumabagay sa init ng ulo ni Venice. Ngumiti naman si Carlo sa dalawa na halos mamuti na dahil sa takot kay Venice. Hinawakan naman niya ang balikat ng dalawa.
"Ihatid ko na kayo sa labas?" swesyon niya dahil nanigas sa kinatatayuan ang dalawa.
Tumango naman ang dalawa at inalalayan ni Carlo na makalabas ng Utility Room. Nang makalayo ang dalawa ay binalingan ni Carlo si Venice na nakataas pa rin ang kilay.
"Nakikipaglandian ka?" masungit nitong wika.
"Nope, mula sila sa Campus paper at nagtanong lang ng ibang bagay," simpleng tugon ni Carlo at bumalik sa inuupuan niya kanina bago dumating ang dalawa.
"Bakit ka nga pala napadaan? Masyadong nakakatakot yata ang aura mo ah. Papatay ka?" dagdag ni Carlo na hindi pansin ang delikadong aura na dala ni Venice.
"Marami akong nahuling mga studyante na lumalabag sa Campus Rules at dahil dun ako na ang Disciplinary committee advisor," medyo kumalma nang boses ni Venice.
"Kahit kahapon lang kita nakilala at base sa personality mo, may nangyari no?" tanong ni Carlo na hindi mapigilang mapangisi.
"Napagtripan ako nung ilang estudyante," wika ni Venice na medyo kalmado na.
"Kaya ka na beast mode," kalmadong tanong ni Carlo.
Naupo na lang si Venice sa upuan sa may Utility Room. Nagkaroon ng silent session ang dalawa at wala ring balak na magsalita si Carlo.
"Pinapatawag ka nga pala sa Guidance dahil sa trabaho mo," naalala na ni Venice yung ipinunta niya dito.
Mabilis namang tumayo si Carlo sunod si Venice para samahan si Carlo para mapakalma ang sarili. Maraming studyante ang napapatingin sa kanila. Sinasamaan naman ni Venice ng tingin. Sige-tingin-pa-kung-ayaw-mong madetention-look. Kaya mabilis na napapaiwas ng tingin ang ibang studyante samantalang si Carlo patay malisya lang.
Sa pagkakataong ito ay kinopya niya yung personality ni Rayne na hindi namamansin at sobrang lamig ng pakikitungo. Kaya nagmumukhang suplado si Carlo sa pagkakataong ito. Nagsikinangan naman ang mata ng iba kahit na nakasuplot ng janitor uniform ang iba. Pero tulad kanina dahil sa aura ni Venice na magdadala siya ng mga studyante sa Detention room.
Nakarating naman sa Guidance ang dalawa at mabilis na nag personality shift si Carlo pagkapasok. Nakangiti siya ss tatlong tao na nakaupo sa may guidance.
"Galing mong magmiod shift Carlo," komento ni Gail.
Mabilis namang tumawa si Carlo.
"Quite observant kayo Miss Gail. Yep, it's my talent," natawa nitong wika na halatang genuine.
Napabuntong-hininga si Gail dahil sobrang galing ni Carlo na maglaro ng emosyon niya.
"Bakit pala ninyo ako pinatawag?" tanong ni Carlo.
"Siguro napansin mo na naggagain ka ng atensyon as like as Venice. Pero kay Venice, she turn it down immediately para katakutan siya. Ikaw anong balak mo?" malumanay na tanong ni Gail.
"I think, hindi muna ako gagalaw sa position ko. I would be more humble para kung mangyari madali ko tong mapagtatakpan," simpleng wika ni Carlo na hindi man lang pinag-isipan.
Napatango naman si Gail.
"I don't know what to say Carlo pero mas magandang mas maingat ka," payo ni Gail.
Tumango naman si Carlo. Bumaling naman si Gail kay Venice at ngumiti ng nakakaloko.
"Ilang studyante ang dadalhin sa detention mamayang pagkatapos ng klase nila?" tanong naman ni Gail.
"Mga bente siguro? Baka mas marami pa eh," tugon ni Venice na pinapakalma ang sarili.
"Naman, ikaw na," wika ni Harold na hindi mapigilang matawa dahil sa di niya maisip ang ipapagawa ni Venice sa kanila mamaya.
"Carlo, may ibibigay akong klase sayo," biglang wika ni Gail.
"Akala ko ba janitor lang ako?" tanong niya.
"Kakailanganin kasi natin ng tao para detention," dipensa ni Gail sabay tingin kay Venice na parang siya ang may kasalanan.
"Bakit kayo nakatingin sa akin?" napataas ang kilay na wika ni Venice nang mapansin na nakatingin sa kanya si Harold at si Gail.
"Wala lang, masama bang tumingin sayo?" alibi ni Harold sabay iwas ng tingin.
"Oo nga, may nakita kasi kaming lamok sa mukha mo," dagdag pa ni Gail at hindi na napigilang tumawa.
Nagroll eyes na lang si Venice at kinuha ang handbook na binigay sa kanya nina Harold kanina.
"Carlo, payag ka?" tanong uli ni Gail kay Carlo.
Wala namang choice si Carlo kundi ang sumang-ayon sa superior niya.
"Opo," medyo genuine niyang wika dahil wala naman siyang choice.
"Weh?" biglang wika ni Gail na hindi man lang nakumbinsi sa sinabi ni Carlo.
Huminga ng malalim si Carlo at nagsimulang ngumiti. Pansin naman ni Gail ang mood shifting ni Carlo kaya nakadagdag ito sa curiousity niya sa pagkatao nito.
"Fine, pakitanggal ang ngiti sa labi mo. Para ka nang tanga diyan," wika ni Gail dahil medyo naapektuhan na siya ng ngiti ni Carlo.
Yung ngiti ni Carlo ay hindi parang nagpapansin o sadyang may nakakatawa. Tulad iyon na parang bagay na gustong kumuha ng pansin niya. Sa kabilabg banda ay medyo napakunot ang noo ni Carlo sa inasal ng superior niyang si Gail dahil wala sa personality nito ang biglang magmumura.
Napansin ni Harold na medyo nag-aawkward ang presensya sa loob ng Guidance Office kaya mabilis siyang tumayo at nagkuha ng makakain sa may maliit na Ref. sa office. Naglabas siya ng isang maliit na cake at kumuha ng mga plato at kutsara.
Kahit pati si Rayne na tahimik sa isang tabi ay biniyan niya ng plato at sinenyasan kung nasaan ang cake. Tahimik namang tumango si Rayne. Sunod naman siyang lumapit sa tatlo na awkward na ang atmosphere.
"Anong meron?" hindi mapigilang tanong ni Venice dahil out of blue magkakaroon ng salo-salo.
"Malalaman mo rin," simpleng wika ni Harold at siyang unang humiwa sa cake.
Dahil pagkain ang nasa harap ni Venice ay mabilis siyang tumayo at kumuha ng cake. Hindi naman mapigilang sabihan ni Carlo si Venice na PG dahil sa asal nito. Napataas ang kilay ni Venice at dinuro-duro pa ng hawak na kutsara si Carlo. Hindi naman mapigilabg awatin ni Gail ang dalawa dahil mukhang nagbibigay na ng death threat sa isa't-isa na balak yatang totohanin.
Naupo na lang si Harold sa tabi ni Rayne na tahimik na lang na kumakain ng cake. Kahit minsan lang mangyari ay ningitian siya ni Rayne. Hindi na niya napigilan ngumiti habang pinapanood si Carlo at Venice na nagbabangayan dahil sa isang hiwa ng cake habang nakikiepal si Gail na patahimikin ang dalawa. Pero, sadyang walang naririnig ang dalawa dahil sa isa't-isa lang sila nakatingin.
"Isang pamilya," hindi mapigilang sabihin ni Rayne.
Inakbayan na lang siya ni Harold.
"Oo naman," wika ni Harold.
Nakaramdam naman siya ng masamang aura sa tabi niya. Nang napatingin siya ay na mansahan na ng kutsara niya ang damit nito. Mabilis niyang tinanggal ang braso niya at nagpeace-sign. Humigit kumulang isang oras bago tuluyang matapos ang bangayan ng dalawa. Mga ilang minuto pa ay nagpaalam na ang dalawa dahil si Venice ay may kailangan siyang turuang klase sa P.E. at samantalang si Carlo ay babalik na sa duty ng paglilinis.
Nang makapasok na Utility Room si Carlo ay bigla niyang naalala ang pulang buhangin. Mabilis niyang nilapitan kung nasaan yun nakalagay kanina pero mukhang may nakakuha na nito at nakalimutan din niyang sabihin ang tungkol dito sa mga superior niya.
"Masama to," bulong niya.
---
Comments (0)
See all