...
Napasimangot na lang si Harold. Bumaling naman siya kay Gail. Bigla naman itong natahimik dahil sa kung ano.
"Nga pala, ilagay na muna ninyo ang gamit niya sa kwartong ituturo sa inyo ni Rayne," wika ni Cepras sabay ayos ng pinagkainan nila.
"Ah, pwede po bang malaman yung mga lugar dito sa Zone? You know special tunnels, dungeons... like that," biglang request ni Venice bago sumunod kay Rayne at Carlo na iniwanan siya.
Mabilis namang ngumiti si Cepras.
"Bukas," mabilis na tugon nito.
Tumango naman si Venice sabay takbo papunta kina Carlo.
"Wow ha, walang balak manghintay?" malakas na sigaw ni Venice na pilit pa ring hinahabol ang dalawa.
Parang walang narinig ang dalawa dahil tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad. Pilit namang binilisan ni Venice ang pagtakbo para magawang makahabol sa kanila.
"Grabe ang bibilis ninyo," reklamo niya.
Hindi naman tumugon ang dalawa at tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad. Bigla namang pinalo ng malakas ni Venice ang braso ni Carlo. Sinamaan naman siya ng tingin. Medyo napaurong naman si Venice dahil sa tingin nito kaya mas pinili na lang niyang wag magsalita.
Pagkapasok na pagkapasok nila ng kwarto ay mabilis na tumawa na nang-aasar si Carlo. Kaya naman mabilis na hinawakan ni Venice ang ulo ni Carlo para isampal ito sa pader. Mabilis namang nahawakan ni Carlo ang kamay ni Venice at mabilis na may pinisil dito. Napasigaw na lang sa hapdi si Venice.
"Nakikipaglaro ka kasi sa isang defense team member. Alam mo naman siguro yung pinag-aralan namin sa self-defense?" nakakalokong wika ni Carlo sabay upo sa napili niyang higaan.
Para namang nasa isang first class suite sina Carlo dahil sa ganda at disente ng itsura ng kwarto nila. Maya medyo lumubog pa siya dahil sa lambot ng higaan niya. Italian interior design ang buong kwarto at may dalawa ring banyo sa loob at simple mini kitchen at maliit na ref ang nandoon. Nasa gilid naman ng magkatabing banyo ang dalawang naglalakihang aparador.
"Gaganti ako!" sigaw ni Venice na hawak pa rin ang kamay na medyo namamanhid.
"Vengeance? Baka nakakalimutan mo sino ang nanguna sa atin," asar ni Carlo.
Sinamaan na lang siya ng tingin ni Venice.
"Nga pala yung nakita mo kanina, talent ko yun. Kaya kong gayahin ang ano mang personality and characteristics. Pero ang saya mong lokohin," biro ni Carlo sabay tawa.
Mabilis namang sumugod si Venice kay Carlo. Nagawa namang makayuko agad niya bago pa naman tumama sa kanya ang suntok. Dahil sadyang may pagkamalas si Venice ngayong araw ay tumama ang ipapanuntok niya kay Carlo sa dingding. Tumawa naman ng malakas ni Carlo dahil pareho ng namumula ang parehong kamay ni Venice. Tinawanan na lang niya ito lalo na nang mamula na ito sa galit at inis sa kanya.
Mabilis naman siyang nagtatakbo papunta sa banyo para magtago. Kahit alam niyang may laban siya ay wala siyang balak patulan. Sadyang natutuwa lang siyang asarin ang isang iyon ngayon. Dahil siguro sa ginawa nitobg gulo kaninang umaga at kung bakit biglaang napapunta sa Zone na ito.
"Lumabas ka d'yan,ungas ka! Hindi pa tayo tapos! Babasagin ko na lang yang mukha mo!" sigaw ni Venice habang pinupukpok ng malakas ang pintuan.
Sadyang na kay Carlo ang swerte ngayon dahil gawa sa kahoy ang pintuan at mukhang matitibay ang bisagra. Matatagalan pa bago mapabagsak ni Venice ang pintuan. Nakasandal din si Carlo sa pintuan para hindi na talaga agad yun mapabagsak.
Mabilis namang iginala ni Carlo ang paningin niya para makahanap ng pwedeng daan makalabas. Pero, sadyang nasa dead end na siya dahil kahit maliit na exhaust fan ay wala sa banyo. Maliliit na grills lang ang meron. Napabuntong-hininga na lang siya dahil mukhang nawala na ang swerte niya.
Medyo nagtatagal na rin siya sa may banyo at medyo nagpasalamat pa siya dahil tumigil na rin sa pangangalampag at pagpapalo ng pinto ng banyo si Venice. Hindi niya lubos maisip na titigil sa pagpapalo ang babae dahil sa predicted personality niya rito ay wala itong balak sumuko. He could sense something. Isn't she is one of the best counter plan formulator? Something is about to happen after he open the door. Of course, nothing is impossible with counter plan formulators. He needs to make a plan that could defend him against her plan after all.
After almost 10 minutes, he also formulated a master plan and a 3 consecutive back up plan. He doubts that it could easily abolish by her plan. As his planned, he took out from the C.R.. Pagkalabas na pagkalabas naman niya ay mabilis siyang nakailag sa pagbato nito ng assassin' dagger. Katulad ng nauna nilang naibato kanina sa may dart board.
"Mukhang nagsawa ka nang makipagkwentuhan sa mga sabon?" nakangising wika ni Venice habang may pinaiikot na isa pang dagger sa mga darili niya.
Mukhang nagfail ang dalawa niyang naunang plano. He smirk dahil may dalawa pa siyang backup plan para dito. Bigla namang ibinato ni Venice uli ang hawak niyang dagger. Nakailag naman si Carlo pero kailangan na niya ang bag niya. Mabilis siyang tumakbo sa may bag niya pero sadyang nahawakan ni Venice ang damit niya. Mabilis namang hinila nito ang damit niya kaya mabilis siyang napaupo. Napaisip na lang siya dahil mukhang malalakas talaga ang mga tao sa offensive team.
Kahit anong gawin niyang panglalaban ay wala siyang magagawa dahil malakas talaga ang babae. Tanging paraan na lang ay sirain na lang niya ang kanyang pang-itaas na damit para makawala dito at tumakbo papunta sa may pintuan. It seems running is the right plan for now. Dahil na rin sa nagpupumilit niya ay unti-unti nang nasira ang pang-itaas niya.
Mabilis siyang tumakbo papunta sa pintuan pero sa hindi niya inaasahan ay bigla siyang tumagos dito. Mabilis namang sumunod si Venice dahil medyo naguilty siya lalo na pagmaykung anong mangyari. Sagutin pa ng konsensya niya. Sabay isang lumitaw sa isang maliit na eskinita. Nagsamaan na lang sila ng tingin at naghanap ng daan papalabas.
"Anong plano?" biglang tanong ni Carlo na may pagkaseryoso sa boses.
Mabilis namang iginala ni Venice ang mga mata niya para makita ang pwedeng mangyari sa kanila o mga possibility na mamatay sila dito. Ganoon naman dina ang ginawa ni Carlo. He much know how to defend and observing the new environment is very easy to him. But now, he couldn't sense any presence even a small insects and that was unnatural for this type of place.
"May nakita ka?" tanong niya muli.
Venice just give off unnatural gesture. There's something bothering her. Then, a red tinted lights start to show up.
"Mukhang bloodsucker alley yata tayo napunta," conclude nito.
Mabilis namang hinawakan ni Carlo ang cross emblem bracelet niya. Mabilis namang pinababa ni Venice ang hamay niya na parabg wag gagamitin ang bagay na iyon.
"Anong plano mo?" muling tanong ni Carlo.
"What normal humans do when they feel fear," tugon ni Venice.
She knew better that fighting them isn't the good thing to do. It would make the situation more complicated.
"In a count of three, alam mo na ang gagawin," utos niya ng pabulong.
She doubt that the red eye guys would hear them.
"One,"
"Two,"
"Three," sigaw niya at mabilis silang tumakbo.
Dahil sadyang mas malaking tao si Carlo at may kabilisan din siyang tumakbo dahil sa training niya. Mabilis niyahg hinawakan ang kamay ni Venice kahit alam niyang magagawa nitong makahabol sa kanya. Iba na ang sigurado. Hindi naman umangal si Venice dahil alam niyang para sa kanila ito.
Nang makalabas sila ng eskinita ay mas nakita nilang bilog ang buwan. Hindi mapigilan ni Venice na magmura dahil mas malaking panganib ang kakaharapin nila dahil nga bilog ang buwan.
"Do you have any plan?" biglang tanong ni Venice kay Carlo dahil alam niyang sa parteng ito siya magaling.
"The thing is, meron kang mountain ash?" tanong bigla ni Carlo.
Mabilis namang nakuha ni Venice ang ibig-sabihin ni Carlo kaya mabilis niyang kinalikot ang sinturon niya pero mukhang naubos na iyon sa nakaraang misyon nila.
"Wala," tugon niya.
"Mahihirapan tayo nitong makatakas dahil mukhang natawag pa sila ng katropa," bulong ni Carlo.
Hindi naman inaasahan ni Venice na sasabihin iyon ni Carlo dahil mukhang walang alam ito tungkol sa interferece.
"Ikaw anong plano mo?" tanong ni Carlo sa kanya ng isang counter plan para makaalis sila dito.
She also knew that he needs her offensive plans to draw against their opponent until their defense is in its peek.
Inobserbahan niya kung paano ang galaw ng mga humahabol sa kanila. She sees a pace na hindi gaanong nahahalata. It could be there weakness.
"Ano ang matutulong mo?" tanong naman ni Venice habang inoobserbahan ang mga kalaban nila.
"Meron akong dalang maliit na botelya ng holy water at wait... may mountain ash ako," wika ni Carlo nang makita ang isang botelya ng mountain ash.
"Ikaw na ang bahalang magguhit," utos ni Venice at medyo lumuwag ang dibdib dahil meron na silang pangdepensa
Wala pang ilang segundo ay mabilis na ibinilog niya sa kanilang dalawa ang lahat ng laman ng bote. Mabilis namang tumayo si Carlo sabay tingin kay Venice.
"Ano nang plano?" tanong uli niya dahil marami nang pares ng mata ang nakatingin sa kanila.
"Ano pang gamit ang meron ka sa sinturon mo?' biglang tanong ni Venice dahil kahit siya ay walang magagawa laban sa mga nilalang na nasa harapan nila o pwedeng nakapalibot sa kanila.
Kailangan din nilang sundin ang policy ng Society dahil hindi sila pwedeng lumaban ng walang ginagawang plano. Samantala naman, mabilis na kinalikot ni Carlo ang sinturon niya habang nagbabasakali na may makuhang kahit ano. Nagbukas naman ang isang lalagyan sa may sinturon niya at naglabas ng maliit na bote.
"Mukhang swerte tayo. Dahil meron pa tayong dust," hindi mapigilang mapangiti ni Carlo.
Mabilis namang hinablot ni Venice ang bote at binuksan. Naglagay siya ng kaunti sa palad at saka unti-unting hinipan. Umikot siya sa loob ng bilog. Parang wala nang pag-asa na makarating sa mga kalaban nila pero tila may kung anong bagay ang umihip papunta sa kanila.
Mabilis namang napasigaw ang mga ito ng panahong madapuan sila ng makikinang na dust. Nagngitian na lang ang dalawa dahil sa nakita nila.
"Mukhang totoo ang sinabi nila ang dust ay walang form but the form can be established by wielder," nakangiting wika ni Carlo.
"Ano nang plano," tanong ni Carlo uli kay Venice.
"Try to signal them, baka sila pa ang may pakana nito," tugon ni Venice.
Naglagay naman ng dust sa kamay si Carlo at sabay tapon paitaas. Gumawa naman ng kakaibang liwanag ang dust sa langit. May mga dumating na mga tao na nakaputing balabal at silang nagpabagsak sa mga kaninang sinunog ng dust.
Mabilis namang tinanggal ng isa sa mga iyon ang hood ng soot niyang balabal. Si Harold sabay nagpeace sign. Mabilis namang umalis sa bilog si Venice na masama na ang tingin kay Harold. Pagkalapit na pagkalapit nito ay mabilis nitong sinapak si Harold.
"Hindi ko naman sinasadya!" sigaw nito matapos masapak.
---
Comments (2)
See all