Vatican Time 2: Zone 66
May apat na tao ang sumalubong sa kanila. Mas maunti ito sa inaasahan nila dahil akala nila ay higit sa bente ang tauhan na meron ang Zone 66.
"What's with the face?" biglang tanong ng Director ng Zone 66 na si Cepras.
Ngumiti na lang agad si Venice para hindi mahalata ang pagkabigla niya sabay siko kay Carlo na nakatulala pa rin. Sinamaan na lang siya ng tingin ni Carlo at samantalang siya ay inirapan na lang ang lalaki. Mabilis namang nanunbalik ang ngiti sa labi ni Venice nang muli siyang tumingin sa direktor.
"Medyo nagulat lang po kaming dalawa kasi aapat lang po kayong sasalubong sa amin. Director pa at Team leader," masiglang wika ni Venice.
Kahit may misyon sila ay mabilis matatakpan ni Venice ang peke niyang intensyon dahil masigla at cheerful expression na well trained. Ganoon din naman si Carlo kahit medyo masakit pa ang pagsiko ni Venice sa kaniya ay mabilis siyang ngumiti tulad ng lagi niyang ginagawa sa Headquarters.
"Well guys, welcome sa Wing Society Zone 66," bati sa kanila ng team leader ng Missionary Team na si Gail.
"Salamat po," masiglang wika ng dalawa at sabay na sabay pa talaga.
Mabilis namang nagsukatan ng tingin ang dalawa at ilang segundo lang ay ngumiti muli sa apat.
"I see," natatawang wika ng team leader ng Offensive Team na si Harold.
Medyo napataas ang kilay ni Venice dahil sa pagtawa ni Harold.
"Nga pala ako pala si Cepras ang director ng Zone 66, ito si Harold, Gail at Rayne," pakilala ni Cepras sa mga team leader.
"Nga pala saan po yung banyo? Medyo naiihi po ako," biglang tanong ni Venice.
"Oh, nandun lang yun," sabay turo ni Cepras na medyo natatawa.
Mabilis na ibinagsak ni Venice ang gamit niya at mabilis na tumakbo papunta sa banyo. Napangisi na lang si Carlo.
"Yan kasi karma ka tuloy," bulong niya.
Mahinang tumawa si Harold dahil narinig niya ang bulong ni Carlo alam niyang magkakasundo sila nito.
"Nga pala, bakit pala kayo pinadala ng mga Generals dito?" medyo nagtatakang tanong ni Cepras kay Carlo.
"Parusa sa amin. Marami kasi kaming nasira sa Headquarters," katwiran niya.
Napatango na lang ang tatlo at pinaupo si Carlo.
"Bakit naman kayo nakasira sa Headquarters?" tanong uli ni Cepras.
Napabuntong-hininga na lang si Carlo at sumubsob sa lamesa.
"Yung isa kasi bigla na lang nang harang ng mop sa dadaanan ko nagmamadali pa naman ako para pumunta sa banyo," medyo naiinis na wika ni Carlo lalo na nang maalala niya si Venice.
"Oh I see," pagdamay bigla ni Cepras.
"Isn't bit harsh? Balita ko top performing member ka sa Headquarters?" tanong pa ni Cepras.
"Pero ayos lang sa akin. Balak ko na rin sanang magpareroute bago nangyari yun. Coincidence di ba?" mahinang wika ni Carlo.
Bigla namang pumalakpak si Venice sa may likuran nila.
"Naman this Boy. Hindi lang Sarcasm Boy kundi Paawa rin," wika ni Venice na parang kontrabida.
Bigla namang tumayo si Carlo at sinamaan ang tingin si Venice. Medyo kumukulo na rin ang dugo niya.
"Wow naman, ang santa nandito na pala. Sana naflush ka na sa cr," sarcastic niyang wika.
"Wow naman Sarcasm Boy, hindi ko alam na actor ka na rin pala," wika ni Venice sabay tawa.
"Naman, hindi naman ako katulad mo na isang Santa sa panlabas," wika ni Carlo na ngumisi na.
Nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Palipat-lipat naman ang tingin ng apat.
"Pipigilan ba natin sila?" bulong ni Harold.
"Wag na, minsan lang magkaroon ng ingay ang Zone kaya hayaan na lang natin," bulong ni Gail.
"Shhhh," bulong ni Cepras.
Medyo natahimik naman ang dalawa. Mga ilang segundo ay tumigil na ang dalawa at may kinuha sa kanya-kanyang bag. Sabay na naglabas kg assassin's knife ang dalawa.
"Ano laban ka?" biglang sigaw ni Venice.
"Why so? Bakit naman kita tatangihan?" nakangising tugon ni Carlo na mukhang papatol kay Venice.
Mabilis na inihagis naman ni Venice ang kutsilyo niya papunta sa direksyon ni Carlo. Mabilis namang yumuko si Carlo at nginisian si Venice. Siya naman ang bumato sa direksyon ni Venice. Mabilis namang yumuko si Venice na parang walang inihagis sa direksyon niya.
Medyo tuliro namang tumingin si Gail sa dalawa na parehong nakangisi sa isa't-isa. Samantalang si Cepras ay hindi mapigilang matawa dahil sa ugali ng dalawa. Dahil kanina pa siya nakikinig sa dalawa at mukhang naintindihan niya kung bakit nagbatuhan ng kutsilyo ang dalawa.
"Well titingnan ko sa inyong dalawa kung sino ang nanalo?" biglang wika ni Cepras na hindi mapigilang matawa hindi dahil sa ginawa ng dalawa kundi sa tulirong katabi niya.
Mabilis naman niyang binuhay lahat ng ilaw para malaman kung saan tumusok ang dalawang kutsilyo. Naglakad siya papunta sa may likod ni Venice kung nasaan isang dart board.
"Bull's eye pero medyo kiling ang kutsilyo," husga ni Cepras.
Naglakad naman siya sa kabilang direksyon sa likuran ni Carlo. Napangiwi na lang siya dahil baon na baon ang kutsilyo sa dart board.
"Medyo baon ang kutsilyo," panimulang komento ni Cepras.
Nginisian naman ni Venice si Carlo.
"Kaso...,"
Si Carlo naman ang ngumisi at tumingin ng nakakaloko.
"Nasa pagitan siya ng 20 at bull's eye," dugtong ni Cepras.
Tumawa naman ng sarcastic si Carlo at mabilis na tinapik ang balikat nito. Bigla namang nagring ang phone ni Harold na nakapatong sa lamesa ng 'Ako ang nagwagi'. Napakagat na lang ng labi si Venice.
"Mananalo din ako," bulong ni Venice.
"Kung kaya mo," bulong naman ni Carlo sa tenga niya bago muling ilagay ang bag sa likod.
"Okay, pwede na kayong pumunta sa kwarto ninyong dalawa," wika ni Cepras.
"Waaaaait! May foods ba? Gutom ako eh," biglang wika ni Venice.
"Meron naman? Hindi mo ba pansin yun," wika ni Harold sabay tingin sa isang lamesa na nakahain ang napakaraming pagkain.
"Fooods!" wika ni Venice at mabilis na kumuha ng plato.
Tahimik dina namang kumuha ng plato si Carlo dahil medyo gutom na siya. Kakaunti lang kasi ang nakain niya sa Main hall dahil na rin sa takot niya kay General Seals. Hindi niya maisip si Venice na halos inubos na ang pagkain sa Main hall gutom pa rin.
Buong akala naman nina Harold na hindi na papansinin ng dalawa ang nakahandang pagkain. Mukhang nakarandam din sila ng gutom. Punong-puno ang plato ni Venice na akala mo ay wala ng bukas. Samantalang si Carlo kaunti lang ang kinuha.
"PG ka pala," komento ni Carlo.
Ngumisi naman si Venice.
"Baket? Gutom ako eh. Ikaw, mukhang busog ka pa eh. Ang unti ng pagkain mo. Diet?" asar naman ni Venice.
Hindi na lang siya pinatulan ni Carlo dahil bigla niyang naalala si General Seals at ang table etiquette nito.
"Table etiquette, Ms. Reyes," pilit na ginagaya ni Carlo ang tono ni General Seals.
Para namang may dumaang malamig na hangin sa buong katawan ni Venice lalo na nang maalala niya ang tonong iyon ng Heneral. Sinamaan naman niya ng tingin ni Venice si Carlo.
"Mr. Dela Cruz, never ever use that tone. It give chill to my spine," malamig na wika ni Venice na ikinangisi naman ni Carlo.
"If you say so," nang-iinis na wika ni Carlo na gamit pa rin ang tono ng Heneral.
Shut up na lang si Venice dahil bumabalik sa ala-ala niya ang tono ng Heneral kanina. Tumawa naman ng mahina si Carlo dahil nainis niya ng sobra si Venice at mukhang may pangblackmail pa siya. Tuloy-tuloy namang kumain ang dalawa hanggang nakisalo sa kanila sina Cepras dahil gumagabi na rin sa labas.
"Nga pala, dun na lang kayo sa parehong kwarto. Double beds naman ang meron tayo," suggest ni Cepras.
"Why not? Okay lang sa akin. Ewan ko lang sa lalaking yan," sabay tingin ni Venice kay Carlo.
"Call. No prob.," mabilis na wika ni Carlo sabay ngiti kay Venice na may halong pang-iinis.
Patay malisya na lang ang dalawa.
"Nga pala, meron na akong nahanap na trabaho sa inyo. Para madali kayong makapagmatyag," sabat ni Harold.
"I see. Ano yun?" mabilis na tanong ni Venice na kahit siya ay na curious sa trabaho na sinasabi ni Harold.
"Well, maraming nangyayaring abnormalities sa pagpapadalahan ninyo," dagdag ni Cepras.
Nakuha naman ng dalawa ang atensyon ni Carlo dahil mukhang hindi niya inaasahan na sasabihin sa kanila ito ng mga superiors nila. Lalo na ngayon na hinahanap nila ang traydor.
"Kailangan namin ng isang Proctor at isang Janitor para sa lugar na iyon," swesyon ni Cepras.
"So, isang School or sort of university kami magtratrabaho?" tanong ni Venice.
"Nagtanong pa, halata naman," bulong ni Carlo na kumakain ng spaghetti.
Mabilis namang hinampas ni Venice si Carlo. Samantalang si Carlo ay nang-iinis na tumingin kay Venice. Naparool-eyes na lang si Venice.
"Now back sa topic," biglang wika ni Venice na hindi maitanggi ang pagkainis kay Carlo.
"Sa tingin ko, ikaw Venice ang magiging proctor then ikaw Carlo ang magiging janitor. Sabi sa pinadala sa amin na papers ay isa ka sa magagaling na miyembro ng defense team. More probably mas makakakilos ka kung janitor ka," dagdag ni Cepras.
Medyo nakumbinsi naman si Carlo sa assignment niya. Madali nga siyang makakagalaw.
"Bakit janitor lang?" biglang angal ni Venice.
"Huh?" biglang napatanong Cepras.
"Scavenger na lang," suggest naman ni Venice na nakangisi.
Bigla naman siyang binato ni Carlo ng tissue at sapol ang mukha.
"Magsisimula ka na naman," paggagaya niya uli sa boses ng Heneral.
Napasimangot na lang si Venice dahil baka biglang dumating ang Heneral dahil nasa sarili pa naman silang teritoryo.
"Okay na ba iyon sa inyo?" tanong ng Heneral.
"Sure. Proctor lang naman diba?" sagot ni Venice at sabay subo.
"Ikaw?" sabay baling ni Cepras kay Carlo.
"Walang problema," simpleng sagot niya.
Napangiti na lang si Cepras dahil mukhang walang problema sa dalawa ang suggestion niya. Mukhang ang proproblemahin na lang niya ang palagiang pag-aaway ng dalawa. Mukhang sinadyang ipasa ng mga Heneral sa kanya ang problemang ito.
"Director may problema ba?" tanong sa kanya ng Gail.
Mabilis siyang mapailing.
"Walang problema, napaisip lang ako ng pwedeng project ngayong nagsisimula na ang klase," tugon niya.
"Sir naman, magsisimula pa lang ang klase. Harsh mo naman," angal bigla ni Harold.
"Bakit? Ayaw mo ba yung ginawa kong welcome party?" natatawang wika ni Cepras.
...
Comments (0)
See all