"Carlo Dela Cruz, please go to Main Hall," intercom ng Commander sa buong headquarters.
Hindi niya mapigilang mapabugtong hininga dahil hindi niya gusto ang pagpapatawag sa kanya sa Main hall dahil its either promotion or punishment ang ipapataw. Kadalasan pa nga ay punishment. Walang sinasanto ang mga taong nasa loob ng Main hall. Ang tatlong pinunong Heneral ang makakaharap mo at s'yang magbibigay ng parusa. Walang pakundangan sa pabibigay ng parusa ang tatlo.
"Hala ka, madudungisan na ang malinis mong record," pananakot ng roommate niyang si Rey.
Napabuntong-hininga na lang siya uli dahil maski siya ay natatakot sa parusa pwedeng ipataw ng tatlong heneral. Nagkaroon pa ng ilang pananakot si Rey na lalong nagpatakot sa kanya. Medyo mabagal siyang naglakad papunta sa pinakamalapit na pintuan para makarating sa Main hall.
"Venice Reyes, report to the Main hall IMMEDIATELY," muling intercom ng Commander na may pagmamadali sa boses.
Tumuloy na siyang pumasok sa saradong pintuan sa may Headquarters. Lumusot siya papunta sa corridor ng Main hall.
"Wow naman, si Sarcasm Boy nandito," pang-iinis na bati ng babaeng unang pinakaayawan niya si Venice.
Hindi nalang siya nagsalita dahil baka lumaki pa ang gulo na kinasasangkutan niya dahil sa babaeng kasama niya ngayon. Tuloy tuloy silang naglakad hanggang makarating sa isabg napakahabang mesa. Natanaw nila ang apat na tao na nakaupo at mukhang nakain.
"Yow! Generals and Commander," masayang bati ni Venice.
Isa-isa namang nagtinginan ang apat sa kanila.
"Yow! Venice short time no see!" masiglang bati sa kanila ng Commander sabay kaway.
"Nandyan ka pala Carlo. Parang sinadya talaga na ngayon kayo ipatawag," bati ng isang heneral na grey ang buhok si General Eternity.
Pilit na ngiti na lang ang tinugon niya .
"Ngayon bakit nga pala kayo pinatawag ni Commander Hope?" tanong ng kulay brown na buhok na heneral si General Seals.
Napalunok na lang si Venice dahil ngayon lang nagtanong ang Heneral sa kanya. Sa tanang ng pagbalik-balik niya sa Main hall ay hindi man lang nagsalita ang Heneral.
"Uhmm, kasi nag-away sila at nakabasag ng mga mahahalagang gamit sa Headquarters," simpleng tugon ng blond na heneral si General Beggining.
Napasimangot na lang si Venice dahil sa pagsusumbong ng Heneral.
"Ganun ba? Parang hindi ko gusto ang narinig ko. Kayong dalawa tama ba ang sinumbong ni Beginning?" tanong ng Heneral sa dalawa at sabay tingin ng nakakatakot.
"Ahhhh," hindi na rin malaman ni Venice ang isasagot niya dahil kalimitang wala si General Seals tuwing papapuntahin siya sa Main hall.
"Totoo po yun," diretsahang sagot ni Carlo.
Bigla namang lumitaw ang nakakatakot na ngiti mula sa Heneral na kinatawa ng Commander.
"Mabuti at inamin mo. Ikaw Venice totoo ba na ikaw ang pasimuno ng mga kaguluhan sa Headquarters all the time?" nakakatakot na tanong ng Heneral na kasabay ang nanlilisik na tingin.
Hindi naman mapigilang mapalunok ni Venice dahil sa tingin ng Heneral.
"Totoo ba?" pag-uulit ng Heneral na hindi nawawala ang nanlilisik na tingin.
Tango na lang ang nagging sagot ni Venice dahil pakiramdam niya na sa tingin ng Heneral ay hinuhusgahan na ang buong pagkatao niya.
"Ngayon, sa tingin ninyo ano ang dapat naming gawin sa inyo?" tanong ni General Eternity.
"Bakit hindi na lang natin siya bigyan sila ng suspension?" swesyon ni Commander Hope.
"Anganda ninyo talaga Commander!" buyo ni Venice na nagtaas pa ng kamay.
"I know right!" wika ng Commander sabay flip ng hair.
Napailing na lang si Carlo.
"Bakit hindi kaya natin itali si Venice sa puno ng nakabaliktad? Siya naman talaga ang pasimuno nito eh. Hayaan na lang natin si Carlo na makaalis ng matiwasay," swesyon naman ni General Beginning.
Napatango naman si General Seals at mukhang nakumbinsi siya ng kasamang Heneral. Mabilis namang umalma si Venice.
"Wow naman, General Beginning ang harsh mo sa akin," nakabusangot na wika ni Venice.
Nginisian na lang siya ng Heneral dahil alam niyang panig sa kanya ang isa pang Heneral.
"General hindi naman ako kaganun kapasaway," reklamo ni Venice.
"Naman, hindi nga niya inihara yung mop sa dadaanan ko eh," sarcastic na wika ni Carlo.
Bigla namang napatango ang Commander.
"Mukha ngang siya talaga si Sarcasm Boy. Halata sa boses," wika na may pagkamangha ng Commander at sumubo ng kinakain niya.
"Sure ako d'yan! S'ya naman talaga si Sarcasm Boy. Kaya nga pinatulan ko eh," ani ni Venice sabay tawa.
"Tawa lang, baka mamaya saan ka na mapunta sa kakatawa mo," wika ni Carlo sabay tingin sa Kisame.
"Baka san ka daw mapunta sa kakatawa mo! Hala!" wika ng Commander sabay tawa at kindat sa direksyon ni Venice.
Napasimangot na lang si Carlo dahil mukhang kakampi ni Venice ang Commander.
"Ehem, Commander parang wala ka na sa poise mo," biglang sita ni General Eternity.
Natigil sa pagtawa ang Commander at umayos ng pagkakaupo.
"Hindi ko na rin nagugustuhan ang kawalan mo ng etiquette, Commander. Baka gusto mong ipadala kita?" simpleng wika ni General Seals na tumigil pansamantala sa pagkain para magsalita.
Napalunok naman ang Commander sa banta ng Heneral kahit wala sa tono nito. Alam niyang kahit wala sa tono nito ang pagbabanta ay totohanin nito ang mga sinasabi niya. Bigla namang tumingin ang Heneral sa dalawa.
"Bakit hindi muna kayo sumalo sa amin? Baka gutom na kayo," simpleng wika uli ni General Seals sabay ngiti sa dalawa.
Nakaramdam ng lamig ang buong katawan ni Carlo kahit na si Venice dahil sa ngiti ng Heneral. Bigla namang sumenyas ang Commander na maupo sila. Mabilis naman silang naupo at kumain dahil alam nilang delikado sila pagnandito si General Seals.
"Siguro naman alam ninyo kung ano ang mga ginawa ninyo?" tanong ni General Seals.
"Hindi po eh, pwede pakiexplain?" pagbibiro ni Venice.
"Nahiya naman ako. May Alzheimer ka na yata," puna ni Carlo with a big sarcasm in his tone.
Natawa na lang ng mahina si General Eternity at muling itinuloy ang pagkain.
"Mukhang nagka-alzheimer yata si Venice. Kani-kanina lang sinimulang pag-usapan. Mukhang kailangan nang ipadala sa neurologist," pang-aalaska pa ni General Beginning.
Napanguso naman si Venice dahil mukhang sinisimulan na siyang asarin ng Heneral.
"Nagsimula na ang gera," bulong ni General Eternity.
"Naman General, parang kailangan mo ng psychologist. Parang pansin ko, na ako palagi ang puntirya mo tuwing nandito ako," usal ni Venice na may nakakalokong ngiti.
"Too bad Venice, hindi yata ako ang may kailangan ng Psychologist. Base sa pagkakaalala ko kasi kaya ka nandito dahil meron ka nga nung tawag dun? Alam mo ba yun General Eternity? Yung tawag sa taong may mali sa pag-uugali?" biglang tanong ni General Beginning sa kasamang Heneral.
"Attitude problem?!" biglang tugon ni General Eternity na nabigla sa pagtatanong ng kasamang Heneral sa kanya.
Kinindatan na lang ni General Beginning si General Eternity sabay tawa ng mahina.
"Yun attitude problem ang tawag dun. Naalala ko na. May attitude problem ka nga pala. Bakit ko nga pala yun nakalimutan," pang-aasar ni General Beginning na may kung ano-anong senyas na parang nakalimutan niya talaga.
Napakunot na lang ang noo ni Venice dahil alam niya kung paano siya paglaruan ng Heneral tuwing nagkikita sila.
"Well, Mr. General. Mukhang hindi pa ninyo nakikita ang annual examination ko. Base don ay Physicaly and Mentally fit akong magtrabaho," patutsada naman ni Venice.
Tumawa ng mahina si General Beginning.
"Too bad, balak pa kasi kitang paulitin ng Mental Examination. May inihanda na nga akong appointment para sayo sa pinakamagaling na Psychologist sa Missionary Team," nakangiting tugon naman ni General Beginning.
Tila naman hindi sila naririnig ni General Seals dahil tuloy lang ang pagkain nito at ganoon din ang ginawa ng Commander. Samantalang si Carlo ay napatanga na sa dalawa dahil parang hindi Heneral ang turing ni Venice dahil sa pakikipag-usap nito. Bigla naman siyang siniko ni General Eternity na katabi niya.
"Kung ako sayo, kumain ka nalang. Wag mo nang pag-aksayahan ng panahon ang dalawang yan," bulong nito sa kanya.
Agad namang ipinagpatuloy ni Carlo ang pagkain dahil sa pagpapaalala ng Heneral sa kanya. Mukhang alam nito na may mangyayari mamaya kung di niya pinagpatuloy ang pagkain. Mga ilang minuto pa ay nagsimulang matapos sila Carlo kasama si General Seals pero hindi pa rin tumitigil ang dalawa. Bigla namang pinatama ni General Seals ang kutsara niya sa babasaging baso. Napatingin naman sa kanya ang dalawa pero mabilis ding bumalik sa pagtatalo.
Dahil hindi siya pinansin ay naglabas siya ng nakakatakot na aura na nakapagpatigil sa dalawa. Medyo takot na ang dalawa na tumingin sa Heneral na nakangiti sa kanila.
"I suppose na tapos na kayo magbangayan," nakangiti nitong wika habang pinapaikot ang isang diner knife sa mga darili niya.
Napalunok na ang dalawa dahil sa ngiti ng Heneral.
"May kailangan ka? General Seals?" tanong ni General Beginning na pinapakalma ang sarili.
"Nakalimutan mo na yata ang etiquette mo, General," paalala nito.
Nagpilit na ngumiti si General Beginning habang nakatingin sa kasamang Heneral.
"Hindi naman," wika nito habang nagpupumilit na ngumiti.
"Kayang dalawa kumain muna kayo at mamaya tayo magtutuos pagkatapos ninyo. Magpakabusog kayo," malumanay na wika ni General Seals na naglipat ang tingin kina General Beginning at Venice.
Hindi naman malaman ni Carlos kung may halong sarcastic ang sinabi ng Heneral dahil parang wala sa tono nito ang pagsasalita ng sarcastic. Nakangiti lang na nakamasid si General Seals sa dalawa habanh nakait ito. Samantala, kahit presko at malamig ang temperatura sa loob ng Main hall ay hindi mapigilan nina General Beginning at Venice namamawis dahil sa ngiti ng Heneral sa kanilang dalawa.
Medyo natagalan din ang dalawa sa pagkain dahil hindi sila gaanong mapakali dahil sa ngiti ng Heneral. Parang nagstress eating sila kung iisipin dahil sa sobrang dami na ng nakain nila. Halos maubos naman ang mga pagkaing nakalatag sa lamesa ng dahil sa dalawa. Nang mga ilang minuto pa, napilitang tumigil ang dalawa sa pagkain dahil wala na silang makakain.
"Mukhang sinunod ninyo yung sinabi ko na magpakabusog kayo," nakangiting wika ni General Seals na hindi mawala ang ngiti sa labi nito.
Napatango na lang ang dalawa dahil alam nila na iyon na ang simula ng paglilitis para sa kanila.
"Magpahinga muna kayo ng ilang minuto para mawala muna yang busog ninyo," dagdag pa nito.
"Mukhang nawala na ang busog ninyong dalawa. Well, let's start," panimula ni General Seals.
"Venice Reyes mamaya ko na lilitisin yung ginawa mo sa Headquarters with Mr. Dela Cruz," sabay tingin sa direksyon ni Carlo.
"Ms. Reyes, ngayon-ngayon lang ay ginawa mong labagin ang mga batas natin dito sa loob," panimula ng Heneral matapos nitong tumayo.
Naglakad ito papunta likuran ni Venice. Hindi naman mapigilang mapalunok ni Venice sa ginagawa ng Heneral lalo na nang hawakan nito ang dalawang balikat niya.
"First thing, I observe your moral etiquette on table habang nakain tayo. Hindi ba pwedeng ipagpaliban na ninyo muna ang pagtatalo? Nasa harapan kayo ng pagkain lalo nasa harapan ko kayo. For Heaven's Sake nakipagbangayan ka pa sa superior mo. Nasaan ang act of respect mo?," sunod-sunod na patutsada ni General Seals at mas diniinan ang hawak sa balikat ni Venice.
...
Comments (0)
See all