...
"Baka nadala na ako dun kung hindi ko naalala kung bakit ako nandito," bulong niya sabay tawa.
Napaisip sin siya kung nagpadala siya sa alindog ng mga babae dun na sobrang gaganda anong mangyayari sa kanya. Natawa na lang siya uli at sumandal sa pader. May isang lalaki ang lumapit sa kanya at hinagisan siya ng damit.
"Magpalit ka. Hinahanap ka na ni Senyora," maotoridad na wika nito.
Napatango na lang siya dahil wala naman siyang magagawa kundi sundin ang utos ng lalaki. Naghanap siya ng lugar na pwedeng pagpalitan at mabilis na sumunod sa lalaki. Napunta ako sa may kusina at doon ko naabutan yung lalaking nagbigay sa kanya ng damit. Tutulong sana siya pero mabilis siyang pinaalis nito. Dahil daw bisita siya, sila ang dapat maglingkod dito
Sumunod lang siya sa lalaki papunta sa dining area. Nakita niya ang isang babaeng early thirties na nakasuot ng glamorosang red gown. Sumenyas siya na maupo ito sa tabi ng kinauupuan niya. Agad naman siyang sumunod at naupo sa tabi ng babae.
"Senyora, ang bagong panauhin," wika ng lalaki at nag bow bago umalis.
"Kumusta naman ang paglalakbay mo?" tanong ng Senyora.
Hindi naman siya gaanong makapagsalita dahil hindi niya alam ang isasagot.
"Come on, speak up. Hindi naman ako nangangain," nakangiting wika nito sa kanya.
Napakamot na lang siya sa batok.
"Ang totoo niya wala po talaga akong alam na isasagot," namumula niyang tugon sa Senyora.
Napatango na lang ang senyora dahil kahit siya ay pansin na wala talaga siyang isasagot. Sinenyasan na lang niya ang lalaki para kuhanin ang pagkain nila. Mabilis namang inihanda nito ang mga pagkain sa harapan ng dalawa. Nginitian lang siya ng Senyora nang maihanda na lahat ng pagkain sa harapan nila.
"Bakit hindi ka muna kumain dahil alam kong gutom ka na sa paglalakbay mo," payo ng Senyora at isinandok siya ng pagkain.
Tumango at ngumiti sa Senyora bago magsimulang kumain. Lihim na napangiti ang Senyora nang makitang kumakain na siya. Napansin naman niyang nakatitig sa kanya ang magandang Senyora.
"May problema po ba?" bigla niyang tanong.
"Wala naman. Nagwapuhan lang siguro ako sayo," ani ng Senyora.
Napangiti na lang siya at tinuloy ang pagkain. Nagsimula na ring kumain ang Senyora at sumusulyap sa kanya. Medyo nacurious naman siya sa sarili niya dahil pansin niyabg palagiang sumusulyap sa kanya ang magandang Senyora.
"May dumi po ba ako sa mukha?" medyo nahihiya niyang tanong dahil kanina pa nasulyap ang Senyora sa kanya.
Bigla naman tumawa ng matinis ang Senyora. Nakangiti na lang siya dahil mukhang napatawa niya ito.
"Wala naman. Nagwagwapuhan lang talaga ako sayo," wika ng Senyora.
"Ahh, busog na po ako," wika niya nang lalagyan pa ng pagkain ang plato niya.
"Hindi yan, alam kong kaya mo pa. Bilis na kain pa," mahinang wika ng Senyora.
Wala naman siyang magawa kundi ang kumain uli dahil ayaw niyang mapahiya sa harapan ng Senyora.
"Kain ka pa," usal ng Senyora nang lagyan pa siya ng pagkain sa plato.
"Busog na po ako," aniya dahil ilang oras na rin siyang nakaupo.
"Iiwanan mo ba ako na mag-isa?" pagpapaawa ng Senyora.
Napalunok na lang siya. Bahagya naman siyang tumayo.
"Hindi ko na po talaga kaya," mahinang pagtanggi niya.
Nagpapaawa namang tumingin sa kanya ang Senyora. Napalunok naman siya uli at muling na tempt na maupo uli at kumain.
"Senyora, hindi ko na po talaga kayang kumain," mahinang wika niya.
Napatango-tango na lang ang Senyora.
"Kung yan ang gusto mo, wala naman akong magagawa para pigilan ka. Mag-isa na lang ako kakain," mahina nitong wika.
Kahit gustuhin niyang kumain uli at manatili sa tabi ng magandang Senyora ay hindi na niya kaya.
"Sorry po talaga," paumahin niya at aktong tatayo na.
Pumasok naman sa eksena ang lalaki. May dala itong cart na naglalaman ng mas maraming pagkain kesa sa naunang naihanda. Mabilis nitong inilatag ang pagkain sa lamesa. Medyo natakam pa siya dahil sigurado siyang mga pangmayaman ang nakahanda sa lamesa.
"Sigurado ka na bang aalis ka na?" sobrang babang tono na wika ng Senyora.
Bigla naman siyang natauhan nang magtanong ang Senyora. Nagpilit siyang ngumiti para makumbinsi ang Senyora na ayaw na niya talaga. Nagbalik din sa isip niya na kailangan niyang ipagpatuloy ang ipinunta niya dito at magtagumpay.
"Pwede ka namang magpahinga ng kaunti tapos pwede ka nang kumain uli," pakiusap sa kanya ng Senyora.
Pilit na ngiti na lang ang tinugon niya rito. Sinenyasan naman ng Senyora ang lalaki para ituro at dalhin siya sa susunod na pintuan. Sumunod lang siya papunta sa pintuan at dahil busog na busog siya ay mabilis siyang nakarandam ng antok.
"Halika, matulog ka muna," wika ng isang babae na nakasuot ng Hawaiian dress.
Nagsimula siyang makarinig ng tunog ng dagat na parang masarap magrelax. Dahil nga sa matinding halimuyak ng dagat at tila isang paraisong kinatatayuan niya ay hindi niya mapigilang mapapikit. Nang pabagsak na siya ng dahil sa antok ay mabilis siyang sinalo ng babaeng unang nagsalita kanina.
"Merong tamang lugar para matulog," bulong nito.
Sinubukan naman niyang labanan ang antok pero sadyang napakalakas nito para sa kanya. Pinilit niyang maglakad pa at hindi na mahirapan ang babaeng tumutulong sa kanya. Inihiga siya nito sa isang napakalambot na higaan sa ilalim ng isang malagong puno. Isama pa ang napakalamig na simoy ng hangin.
Natuluyan na siyang nakatulog. Bigla na lang siyang nakarandam ng kung anong bagay na kumukuskos sa may binti niya. Mabilis siyang napabangon.at nakita niya ang babaeng kaninang tumulong sa kanya na nakapulupot sa binti niya habang nanghahaba ang dila nito. Napabalikwas siya ng bangon at natulak palayo ang babae. Mabila namang may nagbukas na pintuan malapit sa kinahihigaan niya.
Tumakbo siya papasok doon pero agad na bumalik dahil sa bag niya. Mabilis siyang kumaripas ng takbo papasok ng pintuan dahl baka mahuli pa siya ng babae. Hindi niya namalayan ang tatlong lalaki na nakatayo na tila naghihintay sa pagdating niya. Mabilis namang pinaputok ng isa sa mga iyon ang party puffers na hawak nito.
"Maligayang pagdating, Carlo Dela Cruz. You're actually running late," nakangiting bati ng isa sa mga lalaki na may kasamang nakakatakot na titig.
Comments (0)
See all