...
"Alam mo yung pakiramdam na ikaw pala yung mali sa huli. Hanggang sa huli ikaw ang pinaglaban niya. Alam mo yun. Lahat ng paniniwala ko tungkol sa kanya mali palang lahat," dagdag ni Carlo sabay ang sarcastic na tawa.
Medyo naawa naman si Mike sa kaibigan niya. Aktong hahawakan niya ang balikat nito.
"He's the best. Itinaya niyang lahat na meron siya para sa akin. Pwede na nga siyang tawaging santo eh. Pero anong ginawa ko? Dinungisan ko lang ang pangalan niya at inilapit ko pa siya sa panganib," wika ni Carlo na sarcastic pa ring tumatawa.
Napalingon na lang si Carlo at Mike ng marinig nila ang tawag ni Myra. Napatingin si Mike kay Carlo na balik na ulit sa kausap niya kaninang parang hindi siya kilala.
"May problema ba?" tanong ni Carlo sa kanya.
Medyo awkward na napangiti si Mike sa kanya.
"Wala naman Carlo," awkward na tugon ni Mike.
Napatango na lang si Carlo at tumayo.
"Ilalagay ko lang ito sa lababo," wika ni Carlo at tinalikuran si Mike.
Medyo naguguluhan naman si Mike sa mga narinig at nakikita niya. Hindi niya alam kung dapat ba niyang paniwalaan yung mga sinabi ni Carlo o baka pinaglalaruan lang siya nito. Naglalakad na papalabas ng kusina si Carlo nang makita ni Mike.
"Totoo lahat ng sinabi ko. Wag kang mag-alala, baka may susunod pang panahon ako para magpaliwanag sayo," wika ni Carlo bago salubungin si Myra.
Naiwan namang tulala si Mike sa mga pinagsasabi ni Carlo.
"Sir, nandito ka na pala ng ganito kaaga?" bati ni Myra kay Carlo.
Nginitian naman siya ni Carlo.
"Dito na ako pinatulog ng Dad mo," simpleng reason ni Carlo.
Lumabas naman sa kusina si Mike.
"Oh kuya, ito nga po pala ang doctor ko. Sir Carlo si Kuya Mike. Kuya Mike si Sir Carlo," pakilala ni Myra sa isa't-isa.
"We already know each other. Nakasalubong ko siya sa kusina kanina," wika ni Carlo.
"Ganun ba, sige uuna na ako," wika ni Myra sabay paalam sa dalawa.
Napatingin naman si Mike kay Carlo na nakangiti habang papaalis si Myra. May bumusina namang kotse sa tapat ng bahay kaya napatingin sina Carlo at Mike. Lumabas naman si Venice sa kotse.
"Carlo, sakay na," sigaw nito.
Ngumiti at kumaway na lang si Carlo kay Mike. Pinanood naman ni Mike na sumakay si Carlo at Venice sa kotse.
"Carlo, ano ba tong mga ugali mong pinapakita sa akin o sa amin. Ano rin bang nangyari sayo sa huling tatlong taon," isip-isip ni Mike.
"Venice yung pagpapatakbo hinay lang," sita ni Carlo ng bumibilis na ang pagpapatakbo ni Venice.
"Boi! May nakasunod sa akin. Babagalan ko lang to pagnapalayo mo yun," sigaw ni Venice.
Buti na lang ay nasa highway sila na walang gaanong tao kundi siguradong may nasagasaan na si Venice bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan. Napalingon naman si Carlo sa may passenger seat kung saan may nararamdaman siyang presensya.
"Hayaan mo na, hindi ka naman ginagalaw," wika ni Carlo at balik ng tingin kay Venice.
"Bakit ko naman hahayaan? Minamanyak na ako ng supernatural na yan. Hahayaan ko lang? Hindi ako masokista katulad mo! Dapat hindi na kasi ako lumabas!" nakakabinging sigaw ni Venice.
"Ayaw mo nun? May magbabantay na sayo," biro ni Carlo .
"Ikaw na Carlo ka! Kung hindi lang ako nakahawak sa manibela kanina pa kita naihampas sa windshield. Pasalamat ka! Ikaw na magpaalis sa supernatural na yan! Kundi sisipain na kita palabas?" sigaw muli ni Venice.
"Kalma lang, ako ng bahala. Pero hindi ko siya makita, masyadong magulo ang presensya niya," wika ni Carlo na pinapakiramdaman ang sinasabing supernatural sa passenger seat.
"Sabi ko na nga ba! Hindi basta supernatural yan eh. Minor demon na yata yan!" sigaw na naman ni Venice na medyo binagalan na ang takbo.
"Hindi naman tayo exorcist para kumalaban ng ganyan. Nakalimutan mo physical assault lang tayo?" wika ni Carlo.
"Talagang pinarinig mo pa," sarcastic na wika ni Venice.
Kinindatan naman ni Carlo si Venice.
"Tsk! Kailangan yata nating dumiretso sa simbahan para lubayan ka niya," medyo tumamlay na wika ni Carlo.
"Sa tingin mo ba may alam akong simbahan na malapit dito?" medyo natataranta ng wika ni Venice at mas binagalan ang sasakyan.
O My God, relying on Thy almighty power
And infinite mercy and promises,
I hope to obtain pardon of my sins,
The help of Thy grace, and life everlasting,
Through the merits of Jesus Christ,
My Lord and Redeemer
Napatingin naman si Venice at bigla niyang prineno ang sasakyan. Hindi naman tumingin si Carlo kay Venice.
Saint Michael, the Archangel, defend us in battle.
Be our protection against the wickedness and snares of the devil.
May God rebuke him, we humbly pray;
and do thou, O Prince of the heavenly host,
by the power of God
cast into hell Satan and all the evil spirits
who prowl throughout the world seeking the ruin of souls. Amen.
Nakarinig ng sigaw ang dalawa na dahilan para magkatinginan sila.
"May sinasabi ka?" tanong ni Carlo.
"Eto na tatahimik na," sarcastic na wika ni Venice at muling pinaandar ang kotse.
Dumiretso sila sa University. Nakasunod naman si Carlo kay Venice papunta sa office ni Cepras sa University. Pagkapasok nila ay nandoon sina General Seals at si Commander Hope na nakaupo at naghihintay sa kanila.
"Dahil kumpleto na lahat ng active members ng Zone 66. Sisimulan na natin. Rayne paki-proof ng pinto," utos ni General Seals.
"Ang Zone 66 ay nasa ilalim ng pamumuno ng Home of Selfless na nasa authority ni General Beginning. For now, Zone 66 will be part of Home of Equity which under my authority," panimula ni General Seals.
Napatango naman si Cepras at ang iba pang miyembro ng Zone 66. Alam nila na hindi basta-basta mag-aalis ng Zone under ng authority ng isang Home para itransfer. Huminga naman ng malalim si General Seals.
"Gusto kong sabihin na hindi basta-basta ang mangyayari. May namatay na, pinakaaayawan natin yun, hindi ba? Sigurado ako na marami pang mangyayari sa ngayon, hindi ko papakilusin ang alin man sa Main Hall, Headquarters o Home para sa bagay na ito. Gusto kong wag ng lumaki ang mga bagay na ito at sana hindi na umabot na kailangan ng nakielam ang buong office. Ayaw ko ring makielam ang iba pang mga office sa ilalim ng Simbahan. Sana tahimik lang ninyong gawin ang mga bagay na ito," utos sa kanila ni General Seals.
"May good news naman ako, naretrieve na nila General Seals, General Eternity at Venice yung nanakaw sa kawan. Isusumbmit na nila yun sa pamamagitan ng panalangin mamaya pagkatapos ng meeting. May nakuha naman kaming mga clue tungkol sa gumawa nito. May ilang studyante dito na gumagaming masonry. This may be the first step ng ginagawa nilang plano. Kung ano naman yun ay kailangan ninyong pigilan," seryoso wika ni Commander Hope.
Napatango na lang sina Carlo dahil mukhang malaking threat na ang kinakaharap nila pati ng University.
"Nga pala bago ko makalimutan. Kailangan ninyong dumalo sa gaganaping trial sa Court of Deeds. Kakailanganin namin ang kayo bilang witness sa korte at tatayong judge kung sakaling maging hati ang desisyon naming tatlo. Wag kayong mag-alala hindi na lang kayo ang nandoon, marami pang iba. Then, the written notice will be sent 3 days from now," wika ni General Seals bago magpaalam.
Sumunod naman si Commader at nagpaalam na rin. Napasandal naman si Cepras dahil wala na ang Heneral na isa sa pinakatatakutan niya sa office. Napatingin na lang siya sa mga miyembro ng Zone 66. Dahil kumpara sa mga Zone sa loob ng Home of Selfless, sila ang pinakakakaunti.
Napatingin siya kay Venice na siyang humingi ng tulong sa mga Heneral. Hindi na siya magtataka dahil mukhang malalang sitwasyon ang nangyari na kahit siya hindi magagawang resolbahin ito. Napatingin naman siya kay Carlo na pilit na iniintindi ang mga pinagsasabi ng Heneral at Commander.
Huminga na lang siya ng malalim dahil sa naalala niyang ang kalaban nila ay ang mismong arch nemesis ng Office of Supernatural Defense ang masonary. Kung ang Office ay invoking and praying help in the name of God and his grace para makalaban sa banta at panganib. Ang Masonary naman ay ang paggamit ng kakaibang paraan na talagang tinutulan ng Simbahan.
Hindi rin niya maisip ang mga bagay na kalaban ng Office ay hahayaan na lang silang Zone ang kailangang lumutas. Hindi basta-basta magdedesisyon ang Heneral ng ganoong bagay kung walang ibang problema. Mukhang may napansin ang Heneral na hindi sinabi sa kanila at iyong tungkol sa Court of Deeds ay mayroong ibang motibo ang Heneral sa pagpunta nila doon.
"Venice anong nakuha mong impormasyon nung manghunting ka kasama ang mga Heneral?" tanong ni Cepras.
"Sir, nakita po namin kung gaano kalawak ang pinsala ng ginawa nila sa kagubatan. Marami pong traps na niligay para sa mga tulad nating Intercessor. Mukhang inaasahan na nila ang pagpunta namin doon pero ang hindi nila napaghandaan ang lakas ng dalawang Heneral," report ni Venice sa saludo kay Cepras.
"Carlo, kumusta yung babaeng under ng pangangalaga mo?" tanong ni Cepras.
Tumayo naman si Carlo at sumaludo muna kay Cepras bago magsalita.
"Sir, maayos naman po ang kalagayan niya. Still kailangan pa rin po niya ng training tungkol sa kakayahang meron siya. Pero, mukhang nakaka-adjust na siya sa mga nangyayari," report ni Carlo na pormal na magsalita sa harap ni Cepras.
Napatango na lang si Cepras at umupo na si Carlo.
"As far as good lahat ng report ng dalawang Intercessor sa atin. Kayong mga Team Leaders keep vigilant sa mga nangyayari. Hindi natin alam kung kailan at saan sila aatake kaya kung kailangan keep on your senses," utos ni Cepras.
Napatango na lang ang lahat ng naroon.
---
Comments (0)
See all